Madalas ako’y parang tuliro
Balisa at ‘di matimo
Iniisip ang bukas,
May pag-asa pa kayang babakas?
Pandemyang halos 3 taon na
Ito ba ay matatapos pa?
Kahirapan at problema kabikabila
Sino ang tutulong?
Saan magsisimula?
Kayraming mga bagay na dapat pakalimiin
Problema sa sarili dapat mong unahin
Ika’y manalamin, sarili ay suriin
Mga dapat mong baguhin,
Iyong pakaisipin.
Sa araw araw na puno ng karanasan
Mga paghihirap ay hindi maiiwasan
Pero ang mga tao sadyang maparaan
Gagawin lahat anumang pagdaanan.
Kahit ano pa man ang ating suungin
Lahat ng ito’y dapat nating kayanin
Nang ang tagumpay ay ating kamtin
Huwag makalimot sa Diyos manalangin.
Sa ating paglahok sa landas tungo sa liwanag
Kung lahat tayo’y titindig at di magkakapit-bisig
Pandemya ay magwawakas
Kakamtin ay magandang bukas!