Magulo, magulo ang utak ko ngayon.
Sapagkat hindi ko na magunita ang noon.
Ang dating masaganang aking nayon,
Tila bagang naging isa na lamang imahinasyon.
Sabi nila ako ay Pilipinong matatag,
ngunit bakit ngayon ako itong lumabag.
Sa bagyong Yolanda ako ay na duwag.
Nagugunita ko pa kaya't aking ihahayag.
Ako ay Leyteño, waraynong totoo.
Kung sa katatagan lang ako'y numero uno.
Ngunit sa kasagsagan ng delubyo,
Ako'y naging parang hindi Pilipino.
Sa lakas niyong bagyong bumabayo,
sa bobong naming pinagtagpi-tagping yero.
Nanginginig sa takot na parang kwago,
Sa ilalim ng mesa kaming mag-anak ay nag tago.
Pagkatapos ng bagyong wumasak sa lahat,
kapwa Pilipino'y nagsama-samang umangat.
Kapit bisig upang mawala lahat ng bakat,
Bakas ng delubyo'y naging isa nalamang alamat.
Ganyan dapat ang tunay na Leyteño,
Sa dugo't puso ay tunay na Pilipino.
Bagyo man ay bumugso-bugso,
Ang aming lakas pag nagsama-sama ay katumbas ng isang delubyo.
Teka, bat biglang nagkaroon ng distansya?
Sa bawat isa ay biglang may pangamba.
Takot pag umubo at sinipon, bakit nga ba?
Pandemya, isa kang kalabang di nakikita.
Kay sakit mag-isa dahil dapat dumistansya.
Ngunit mga Pilipino'y hindi nawalan nang pag-asa.
Kahit sa isang silid ay ikinulong at ilinayo pa.
Pagkatapos ng lahat, ako'y taas noo paring haharap sa inyo.