Return to site

LABAN PILIPINAS! 

MARICSON B. TEOPE

· Volume IV Issue I

Sa dalawang taong nakalipas,

Pandemyaý sinubok ang Pilipinas.

Maraming naiwan at nagpaalam,

Binago ang dating nakasanayan.

 

Kasabay ng pandemya’y isa pang problema,

Bagyoý walang humpay sa pananalasa,

Pagkawasak ng tahanan at kabuhayan ng madla,

Hindi alam kung paano muling magsisimula.

 

Kahit anong dumating, bagyo man o pandemya,

Maaring maging dahilan ng pagkakakatumba.

Ngunit bansang Pilipinas ay talagang kakaiba,

Sa kahit anong pagsubok malakas ang sandata.

 

Pilipinas talagaý sadyang matatag,

Hindi inuurungan, anuman ang ilatag.

Tiwala sa Diyos, pamilya, kaibigan at sarili,

Laging tangan sa lahat ng sandali.

 

Maraming unos man ang dumating,

Hindi tutumba, lahat haharapin.

Tibay ng loob ang tanging baon,

Laging positibo sa lahat ng pagkakataon.

 

Sa dinami dami ng pinagdaanan,

Pilipinas nananatiling matatag ang kalooban.

Hindi padadaig sa kahit anong laban,

Bagyo man o pandemya hindi susukuan.

 

Puso natin pinatatag ng panahon,

Handang harapin lahat ng hamon.

Hindi padadala sa agos ng alon,

Sa laban, laging handang tayong sumuong.

 

Noon, ngayon at maging bukas,

Sa problema tayoý hindi makakatakas.

Mananatiling taas noong nakatayo ang Pilipinas,

Laban lang Pilipinas, isigaw natin ng malakas.