Return to site

KULTURANG PINANDAY NG WIKANG BUHAY

ni: JEFFREY UMALI MANANGHAYA

· Volume V Issue I

I

Wala na yatang hihigit pa sa wikang minana

Na ginamit ni Juan at nagsilbing sandata

Sa mga dayuhang, naghangad at nagnasa

Na sakupin yaring bansang, sadlak sa dusa

 

II

Sa mahabang panahon, kultura ay inukit

Nang mga taong tunay na nagpakasakit

Bayanihaý umiral sa sangkalupaan

Nangibabaw ay malasakit at pagtutulungan

 

III

Sa bawat liriko ng awit na ating nauulinigan

Tila ninanamnam ang diwa’t kahulugan

Mga likhang sining na sadyang namamalas

Iginuhit at kinulayan ng dakilang pantas

 

IV

Tunay na mababanaag pagyabong ng kultura

Gamit ang wikang humulma sa tuwina

Sa mahabang panahon ng ating kasaysayan

Wika at kultura ang pagkakakilanlan