Layunin ng pag-aaral na ito na matugunan ang suliraning ito upang mapataas ang Kulturang Kamalayan ng Mga Mamamayan sa mga Alamat ng Bayan ng Calauag. Gagamitin bilang lunsaran ang Pagbuo Ng Big Book Bilang Lokal Na Materyal sa Pagtuturo ng Panitikan sa Fiipino upang mapataas ang Kulturang Kamalayan ng Mga Mamamayan sa mga Alamat ng Bayan ng Calauag. Tinalakay sa pananaliksik na ang demograpikong profayl ng mga respondyente batay sa: Edad, Hanapbuhay at Taon ng paninirahan sa Calauag; Kulturang Kamalayan ng mga Mamamayan sa Alamat ng Bayan ng Calauag; mga suliraning kinakaharap ng mga mananaliksik sa Calauag sa paglikom ng mga Alamat; makabuluhang ugnayan sa ang antas ng kamalayan sa demograpikong profayl ng mga respondyente; at mga tinipong mga alamat na batay sa resulta ng pananaliksik ay bumuo ang guro ng isang Big Book.
Sa pag-aaral na ito ay gumamit ng Pinagsamang metodolohiya ang ginamit sa kasalukuyang pag-aaral (Quali-Quanti) upang makita sa iba't ibang anggulo o perspektiba ang magiging resulta ng pag-aaral at Kendall Tau para pagtukoy ng makabuluhang ugnayan sa ang antas ng kamalayan sa demograpikong profayl ng mga respondyente.
Ang paistadistika ay sa pamamagitan ng frequency count, percentage, rank, mean, at chi square test. Ang antas ng kahalagahan ay nahihinuha at naitakda sa 0.05 significant level.
Lagom
Ang mga sumusunod ay ang nabuong lagom mula sa datos na nakalap. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay:
1. Ang demograpikong profayl ng mga respondyente batay Edad ay nanguna ang 51 – 60 na may bilang na 12 o 32.43 bahagdan, Pumanghuli ang edad na 31-40 na may bilang na 2 o bahagdan na 5.40. Batay naman sa Hanapbuhay ay nanguna ang magsasaka na may bilang ng respondyente na 15 o 40.54 na bahagdan, Pumanghuli ang negosyante na may bilang ng respondyente na 1 o 2.70 bahagdan. Batay sa Taon ng paninirahan sa Calauag ay nanguna ang mga naninirahan na 41-50 taon pataas na may bilang na 23 o 62.2 bahagdan, pumanghuli naman ang 10-20 taon at 21-30 taon na naninirahan sa Calauag na may bilang na 2 o 5.40 bahagdan.
2. Ang anats ng kulturang kamalayan ng mga mamamayan sa alamat ng bayan ng Calauag, nanguna ang Nakilala at nasusuri ang mga tauhan sa kani-kanilang ginampanan sa alamat sa tulong ng mga salitang ginamit na may WM na 4.61 o LNS, at pumanghuli naman nahinuha ang tagpuan kahit maikli lamang ang akda na may WM na 4.02 o SA. Sa kabuoan ang Average WM ay 4.38 o LNS.
3. Ang mga suliraning kinakaharap ng mga mamamayan sa Calauag sa paglikom ng mga alamat, Nanguna ang parametrong Nawala na ang pagpapahalaga sa kultura gayundin sa mga pagsulat ng mga oral na akda at hindi na naisalin sa kasalukuyan na may WM na 4.49 o LNS Pumanghuli ang parametrong Iilan lamang ang naisulat naitala na mga alamat ang mga mamamayan ng Calauag na may WM na 3.67 o SA.
4. Ang makabuluhang ugnayan ng antas ng kamalayan sa demograpikong profayl ng mga respondyente ay rejected ang null hypothesis na may makabuluhang ugnayan sa 0.05 level at degrees of freedom na 5 at 19 kung kaya hindi tinanggap ang null hypothesis.
5. Ang Big Book ay nabuo upang mapataas ang kamalayan ng mga mag-aaral at mamamayan sa bayan ng Calauag. Sa pamamagitan nito, mapayayabong natin ang kaban ng panitikang Pilipino at makakapag-ambag sa pagpapalawig nito at pagbuo ng lokal na materyal na may kinalaman sa wika at panitikan ng bayan ng Calauag.
6. Ang antas ng pagtanggap sa nabuong Big Book ng mga mag-aaral ng ika-7 Baitang, lumabas sa pag-aaral na ang Big Book ay Mas Tinatanggap bilang materyal na kagamitang sa Filipino 7 na may 3.92 average weighted mean.
7. Ang halaga ng ugnayan ng ranggo sa antas ng pagtanggap ng mga respondyente sa nabuong Big Book bilang materyal na kagamitan sa Filipino 7 ay may alternatibong hypothesis na hindi tinatanggap o Rejected, na nagpapahiwatig na ang significant agreement ng halaga ng ranggo sa ugnayan sa antas ng pagtanggap ng mga jurors ay may mataas na pagtanggap mula sa tatlong Grupo ng mag-aaral.
8. Ang mga respondyente ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa pamantayan na maaaring ibigay ng mga batay sa kinalabasan ng pag-aaral. Magkaroon ng mga babasahin at kagamitang pampagtuturo ang mga guro upang maging epektibo sila sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral tulad ng BIG BOOK. Magkaroon ng kaaya-ayang silid aralan, ligtas at makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral upang maging kaaya-ayang magbasa. Dapat matutuhan ng mga guro ang pagbuo ng BIG BOOK at magsagawa ng makabagong estratehiya sa pagtuturo upang mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga stakeholders na tumulong at magbahagi ng kanilang ambag sa mga programa ng paaralan lalo na sa mga may kinalaman sa paglilimbag ng BIG BOOK BIG BOOK upang mapalaganap ang kultura at panitikan ng bayan ng Calauag na unti-unti ng nawawala dahil sa modernisasyon. Bigyan ng pagkakataon ang mga guro na makadalo sa mga seminar at pagsasanay upang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagtuturo sa pagbuo ng mga modyul at iba pang kagamitang pampagtuturo tulad ng BIG BOOK. Makapagsagawa ng integrasyon at manipulasyon at makabagong paraan ng pagtuturo ng interaktibong materyal sa pagtuturo upang mas mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Makapag-organisa ng LAC SESSION sa mga guro na may kinalaman sa makabagong estratehiya sa paggamit ng modyul at pagbuo ng BIG BOOK sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino. Maglaan ng sapat na pondo para sa kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Mentoring sa guro ng mga dalubguro upang mas mapahusay ang mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang BIG BOOK. Makapagsagawa ng capability building at partnership sa mga grupo upang makapagsagawa ng palihan na may kinalaman sa pagtataya ng mga guro at interpretasyon sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral gamit ang BIG BOOK.
Kongklusyon
Hango sa natuklasan sa pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon.
1. Demograpikong Profayl
1.1 Ang may pinakamataas bahagdan ay ang edad na 50 -60 sa bayan ng Calauag.
1.2 Mas marami ang mga respondyente na ang hanapbuhay ay may kinalaman sa pagsasaka
1.3 Marami sa mga respondyente ay nanirahan na sa bayan ng Calauag ng 40-50 taon. Sila ang mga mamamayan na may malawak na kaalaman at kamalayan sa mga natatagong alamat sa bayan ng Calauag.
2. Napatunayan na nanguna ang nakilala at nasusuri ang mga tauhan sa kani-kanilang ginampanan sa alamat sa tulong ng mga salitang ginamit sa kadahilanang madaling maintindihan ang mga salita sapagkat ito ay lokal at nauunawaan ng mga mag-aaral gayundin ng mamamamayan ng Calauag.
3. Natagpuan na nanguna sa mga suliranin ang Nawala na ang pagpapahalaga sa kultura gayundin sa mga pagsulat ng mga oral na akda at hindi na naisalin sa kasalukuyan sapagkat kulang sa kulturang kamalayan ang mamamayan pagdating sa pagpapahalaga sa kultura. Pumanghuli ang parametrong Iilan lamang ang naisulat naitala na mga alamat ang mga mamamayan ng Calauag. Hindi maitatanggi na kaakibat ng pag-usbong ng teknolohiya ang unti-unting paglaho ng interes ng bagong henerasyon sa palipat-dila na tradisyon na inaasahang magpapatuloy sa pagkilala sa alamat na kababakasan ng kultura ng mga naninirahan sa bayan ng Calauag.
4. Ang resultang ito ay nagpapatunay na may makabuluhang kaugnayan ang demograpikong profayl sa antas ng kulturang kamalayan. Ibig sabihin, lubusang nakakaapekto ang edad, trabaho at ang taon ng paninirahan sa antas ng kanilang kamalayan gamit ang “significant level” na 0.05.
5. Batay sa natagpuan, ang awtput ng pananaliksik na ito ay bubuo ng isang Big Book upang mapataas ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral at mamamayan sa bayan ng Calauag.
6. Makikita sa resulta na ang Big Book ay Mas Tinatanggap bilang isang materyal na kagamitan sa Filipino 7. Ito ay lubos na makatutulong bilang isang lunsaran sa pag-aaral ng Filipino 7. Dahil ito ay nagtataglay ng ilustrasyon at kulay na makakaakit ng interes ng mambabasa.
7. Mataas ang ranggo na ibinigay ng mga jurors sa pagtanggap sa Big Book bilang isang materyal na kagamitan sa Filipino 7.
8. Ang mga pamantayan (pointers) ay dapat isagawa upang lalong mapaunlad ang Big Book bilang awtentikong kagamitan na magagamit sa Filipino.
Rekomendasyon
1. Pagbibigay ng kaalaman ng lokal na pamahalaan upang maipamahagi ang kaalaman ng mga alamat ng bayan ng Calauag.
2. Magkaroon ang lokal na pamahalaan ng livelihood program para mabigyang matugunan ang kahirapan at mabigyan ng pang matagalang solusyon ang problema sa agrikultura (mababang presyo ng lukad o copra) at mabigyang alternatibong pagkakakitaan ang mamamayan ng Calauag.
3. Makalikom pa ng mga akda mula mga likas na tagarito upang makolekta mula sa kanilang memorya at imahinasyon ang mga mahahalagang pangyayari na maaaring naisulat o hindi pa naisusulat at naisalin lamang sa pamamagitan ng pasalitang oral.
4. Makabuo ng isang Big Book upang mapataas ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral at mamamayan sa bayan ng Calauag.
5. Makapagsulat ng panibagong pananaliksik na may kinalaman sa mga pagsusuri sa mga naisulat na alamat at hindi nabibigyang-pansin ang kakulangan sa mga nailathalang pag-aaral tungkol sa mga alamat ng bayan.
6. Maituro ang mga akdang nalikom sa paaralan bilang bahagi ng panitikang rehiyunal sa Baitang 7 upang mapanatili ang Madalas na naisasantabi ng mga kabataan ang mga alamat na hindi nailimbag, hindi napapansin at hindi napapagyaman.
7. Gamit ang Big Book maaaring mas mapataas ang kamalayan hindi lamang ng mamamayan ng Calauag kundi ang bagong henerasyon na darating sapagkat mapapanatili ang kultura hindi lamang bilang pasaling -dila kundi nailimbag din ito.
8. Gamit ang mga pamantayan (pointers) ay dapat gamitin ang Big Book upang mapalaganap ang kultura at panitikan ng bayan Calauag.
Rekomendasyon sa iba pang Mananaliksik
1. Komprehensibong pag-aaral at pagsusuri sa paggamit ng BIG BOOK sa pagtuturo bilang inobatibong materyal sa Baitang 7.
2. Iminumungkahi rin na ang kasalukuyang pag-aaral ay gawin sa ibang paaralan, distrito o rehiyon ng bansa.
3. Mahalagang pag-aralan ang mga estratihiya sa pagpapataas ng antas ng kulturang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga panitikan ng lugar na kaniyang kinabibilangan.
4. Magkaroon ng isang pag-aaral para sa pananaw ng pamayanan sa pagpapahalaga sa panitikan at kamalayang kultural ng isang pamayanan.
5. Mahalagang pag-aralan din ang iba pang salik na nakakaapekto sa kamalayan ng mga alamat sa inyong lugar.
6. Magkaroon din ng pag-aaral tungkol sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan batay sa panahon ng naisulat ito at kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
7. Linangin ang sariling kakayahan at talento sa pamamagitan ng pagdalo ng worksyap sa epektibong pagtuturo ng panitikan na makatutulong sa pagpapataas ng interes, kawilihan at kamalayan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikang Pilipino.