Panimula:
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral na upang masuri ang Paggamit ng KOMIKSLIT (Kalipunan ng mga Piling Akdang Pampanitikan sa Paraang Pa-Komiks) Taong Panuruan 2019-2020 sa Baitang 7 gamit ang mga panitikang rehiyunal sa mga piling paaralan sa Tagkawayan, Quezon.
Matukoy ang mga akdang pampanitikan na magagamit sa pagbuo ng KOMIKSLIT; Makuha ang halaga ng pagtanggap sa KOMIKSLIT ng mga jurors batay sa layunin, nilalaman, antas ng pananalita, pagtataya, at angkop na oras; Mabatid ang halaga ng pagtanggap sa ugnayan ng ranggo ng mga jurors sa nabanggit na pamantayan at Makabuo ng mga rekomendasyong pampolisiya na maaaring ibigay batay sa pag-aaral upang mapaunlad ang KOMIKSLIT?
Gumamit sa pag-aaral na ito ng Descriptive, Developmental at Correlational Method. Ang mga istadistikong ginamit ay ang pabahagdang teknik sa pagraranggo sa pansariling profayl ng mga respondyente. Ang tamtamang bigat o weighted mean ang ginamit upang matukoy ang mga kasagutan ng mga respondyente patungkol sa paggamit ng KOMIKSLIT (Kalipunan ng Piling Akdang Pampanitikan sa Paraang Pa-Komiks) sa mga piling paaralan sa Tagkawayan Quezon. Gagamit din ng interbyu ang mananaliksik upang masagot ang mga katanungan batay sa mga problemang kinakaharap.
Lagom
Ang mga sumusunod ay ang nabuong lagom mula sa datos na nakalap. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay:
1. Ang mga akdang pampanitikan na nakalap sa KOMIKSLIT ay alamat, kuwentong-bayan, awiting bayan, tula, pabula, parabula, anekdota, maikling kuwento, dula at korido na isa sa inobatibong estratehiyang pampagtuturo sa Filipino Baitang 7.
2. Ang halaga ng pagtanggap sa KOMIKSLIT ng mga Jurors batay sa mga nabanggit na pamantayan ay nakakuha ng kabuohang weighted mean na 3.50 na may katumbas na interpretasyong Katanggap-tanggap.Pagtanggap sa KOMIKSLIT batay sa Layunin ay nanguna ang parametro sa layunin na: ang mga layunin sa pagbuo ng KOMIKSLIT ay malinaw na naipaliwanag sa simula ng gawain na may kabuoang WM na 3.67 o LK, pumanghuli naman ang ang mga layunin ay nakasunod sa pamantayang pangkurikulum ng programang K to 12 sa Filipino 7 na may kabuoang WM na 3.55 o LK. Pagtanggap sa KOMIKSLIT batay sa Nilalaman ay nanguna ang pamantayan sa pagganap ay mula sa kagawaran ng edukasyon at sumasalamin sa pinahusay na gawain para sa mga mag-aaral sa Filipino 7 na may kabuoang WM na 3.64 o lubos na katanggap-tanggap (LK), pumanghuli naman ang mga panuntunan ay madaling maunawaan ng mag- aaral na may WM na 3.50 o katanggap-tanggap (K). Pagtanggap sa KOMIKSLIT batay sa Antas ng Pagsasalita ay nanguna ang antas ng pananalita sa ginamit na KOMIKSLIT ay gumagamit ng iba’t ibang kasanayan batay sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa baitang 7 na may kabuoang WM na 3.50 o katanggap-tanggap (K), pumanghuli naman ang antas ng pananalita ay angkop sa pag-unawa at gamit ng salita sa tahanan at paaralan at nauunawaan ng mga mag-aaral na may kabuoang WM na 3.47 o katanggap-tanggap (K). Pagtanggap sa KOMIKSLIT batay sa Pagtataya ay nanguna ang pagtataya ay tumutugma sa kasanayang pangnilalaman na nasa layunin ng KOMIKSLIT na may kabuoang WM na 3.53 o Katanggap-tanggap (K), Pumanghuli ang parametrong ang mga nabuong kasanayan sa paggawa ay sapat para masagutan ang mga pagtatayang gawain na nakakatulong sa pagkatutong pansarili ng mga mag-aaral na may kabuuang WM na 3.40 o Katanggap-tanggap (K). Pagtanggap sa KOMIKSLIT batay sa Angkop na Oras ay nanguna ang parametrong ang oras na inilaan sa bawat gawain ay angkop sa oras na inilaan sa bawat gawain sa aralin, na may kabuoang WM na 3.55 o Lubos na Katanggap-tanggap (LK); Pumanghuli ang parametrong ang oras na inilaan sa bawat aralin ay kayang tapusin ng mahusay at mga mag-aaral na may problema sa pagbasa gayundin sa mga mag-aaral na hindi regular na nakakapasok sa paaralan na may kabuoang WM na 3.43 o katanggap-tanggap (K).
3. Ang halaga ng pagtanggap sa ugnayan ng ranggo ng mga jurors sa nabanggit na pamantayan ay may kabuoang 52.88. Ang “coefficient of concordance W” sa halaga ng ranggo ng mga Jurors 1.48 samantalang ang chi-square ng 7.40 (p<0.05). Ang mananaliksik ay accepted ang null hypotesis na may makabuluhang halaga ang ranggo ng mga Jurors sa pagtataya sa nabanggit na pamantayan sa 0.05 level of significance, level at degrees of freedom na 4 kung kaya tinanggap ang desisyon na may halaga ang ranggo ng mga Jurors sa pagtataya sa nabanggit na pamantayan gamit ang “significant level” na 0.05.
4. Ang mga respondyente ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa rekomendasyon na maaaring ibigay ng mga Jurors para mapaunlad ang KOMIKSLIT.
Magkaroon ng mga babasahin at kagamitang pampagtuturo ang mga guro upang maging epektibo sila sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral tulad ng komiks. Magkaroon ng kaaya-ayang silid aralan, ligtas at makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral upang maging kaaya-ayang magbasa. Dapat matutuhan ng mga guro ang pagbuo ng komiks at magsagawa ng makabagong estratehiya sa pagtuturo upang mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga stakeholders na tumulong at magbahagi ng kanilang ambag sa mga programa ng paaralan lalo na sa mga may kinalaman sa paglilimbag ng KOMIKSLIT. Bigyan ng pagkakataon ang mga guro na makadalo sa mga seminar at pagsasanay upang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagtuturo sa pagbuo ng mga modyul at komiks. Makapagsagawa ng integrasyon at manipulasyon at makabagong paraan ng pagtuturo ng interaktibong komiks sa pagtuturo upang mas mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Makapag-organisa ng LAC SESSION sa mga guro na may kinalaman sa makabagong estratehiya sa paggamit ng modyul at pagbuo ng mga komiks sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino. Makapaglaan ng sapat na pondo para sa kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Mentoring sa guro ng mga dalubguro upang mas mapahusay ang mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang komiks. Makapagsagawa ng capability building at partnership sa mga grupo upang makapagsagawa ng palihan na may kinalaman sa pagtataya ng mga guro at interpretasyon sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral gamit ang komiks.
Kongklusyon
Hango sa natuklasan ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon.
1. Ang mga nakalap na akdang pampanitikan na bumuo sa KOMIKLSLIT ay higit na makatutulong upang mapataas ang antas ng akademikong performans ng mga mag-aaral sa Baitang 7.
2. Napatunayan sa resulta ng pananaliksik ang halaga ng ranggo ng mga Jurors sa nabanggit na pamantayan ay masasabing mataas kaysa sa tabular value hindi lamang sa 0.05 “level of significance” kundi maging sa 0.01. Dahil dito higit na katanggap-tanggap ang halaga ang ranggo ng mga Jurors sa pagtataya sa nabanggit na pamantayan.
Napatunayan na nanguna ang layunin sa antas ng pagtanggap sapagkat sa pag-aaral ng komiks, naging makabuluhan ang gamit ng komiks sa pag-aaral ng panitikan mahahalagang impormasyon ay maipapaabot sa komunidad. Pumanghuli naman ang pagtataya sapagkat ang pagbasa lamang at ang pagsusuri ng panitikan ang sinusuri sa bahaging ito kung kaya’t hindi gaanong nabigyang tuon ng mga mag-aaral bagkus ang mga komiks ay naglayon na mapukaw ang interes ng mga mambabasa upang ang anumang impormasyon ay maipahatid, magdulot ito ng kawilihan at higit sa lahat ay ang positibong interaksiyon sa kapwa.
3. Mataas din ang halaga ng pagtanggap sa ugnayan ng ranggo ng mga jurors sa nabanggit na pamantayan. Ito ay nagpapatunay na ang KOMIKSLIT ay katanggap-tanggap na awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng Filipino 7.
4. Ang mga rekomendasyong pampolisiya ay nararapat gawin upang maging matibay ang pagkamit ng pangkalahatang pagkatuto ng panitikang Pilipino. Ang guro ay marapat na luminang ng mga kagamitang pampagtuturo na magagamit tungo sa kalidad na edukasyon.
Rekomendasyon
1. Gamitin ang KOMIKSLIT upang tumaas ang antas ng kamalayan at upang lalo pang pag-ibayuhin ng mga mag-aaral ang pagsisikap nila sa kanilang pag-aaral paggamit ng KOMIKSLIT (Kalipunan ng mga Piling Akdang Pampanitikan sa Paraang Pa-Komiks) gamit ang piling akdang pampanitikan sa Baitang 7 Taong Panuruan 2019-2020 sa mga piling paaralan sa Tagkawayan, Quezon.
2. Magsagawa ng LAC session sa pagtataya upang tumaas ang antas ng mga mag-aaral sa pagtataya. Makapagsagawa integrasyon at manipulasyon at makabagong paraan ng pagtuturo ng interaktibong komiks sa pagtuturo. Malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito upang maging gabay ng guro sa makabagong panahon nang sa gayon ay mapataas ang antas ng akademikong performans gamit ang materyal na KOMIKSLIT.
3. Magsilbing daan upang ipagpatuloy ang kanilang sinimulan sa epektibong hakbang tungo sa pagpapataas ng antas ng akademikong performans ng mga mag-aaral gamit ang materyal ng KOMIKSLIT. Ito ay maging gabay upang makapagtaguyod ng mabisa at napapanahon ng mga programamang pang-edukasyon sa mga kaukulang pagsasanay para sa mga guro, mapataas ang antas gamit ang materyal ng KOMIKSLIT.
4. Magamit ang rekomendasyong pampolisya sa pagbuo ng mga lokal na inobatibong babasahin sa pagtuturo tulad ng KOMIKSLIT sa pagtuturo ng Filipino para sa paglalatag at pag-oorganisa ng epektibong kurikulum alinsunod sa kahingian ng lugar at mga mag-aaral, magulang, komunidad at stakeholders.
Rekomendasyon sa iba pang Mananaliksik
1. Komprehensibong pag-aaral at pagsusuri sa paggamit ng KOMIKSLIT sa pagtuturo bilang inobatibong materyal sa Baitang 7.
2. Iminumungkahi rin na ang kasalukuyang pag-aaral ay gawin sa ibang paaralan, distrito o rehiyon ng bansa.
3. Mahalagang pag-aralan ang mga estratihiya sa pagpapataas ng antas ng kawilihan ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng panitikan.
4. Magkaroon ng isang pag-aaral para sa pananaw ng pamayanan sa pagpapahalaga sa panitikan at kamalayang kultural ng isang pamayanan.
5. Mahalagang pag-aralan din ang iba pang salik na nakakaapekto sa kamalayan ng mga kuwentong bayan sa inyong lugar.
6. Magkaroon din ng pag-aaral tungkol sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan batay sa panahon ng naisulat ito at kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
7. Linangin ang sariling kakayahan at talento sa pamamagitan ng pagdalo ng worksyap sa epektibong pagtuturo ng panitikan na makatutulong sa pagpapataas ng interes, kawilihan at kamalayan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikang Filipino.