I. Pagaspas ng Dahon, Humahalik sa Bubong
Ragasa ng Alon, Dumadagongdong!
Dilim ng paligid, tako’t sa Pusoy Umaaligid
Dampi ng hanging sa balat, na may sugat nangingilid
II. Tumingala man sa langit, Damdami’y nagngingitngit,
Mula sa buntong-hininga, mababakas ay pait
Pagkain ma’y mula sa ayuda, minsa’y ipinagkakait
Tanging sa Panginoon, mga tao’y kumakapit
III. Mag-iwan man ng Kurot sa Dibdib
Anumang kirot o alaalang nagdulot ng panganib
Kagamitan ma’t bahay, pangangalaga’y tigib
Dumaan man bagyo’t pandemya’y pinairal lakas ng dibdib
IV. Pilipino’y muling babangon, ang bukas ay iaahon
Lipulin man ng lakas, haharapin anumang hamon
Tila bulubunduking sulirani’y sinubok ng panahon
Dugo’t pawis inalay! Buong buhay hindi huminahon
V. Pinoy bangon! Ipaglaban
Unos at Dagok sa buhay huwag hayaan
Kapit higpitan ng pagkapilipit maiwasan
Nang sa gano’y bukang liwayway makakamtan
VI. Sabihin man na ang bansang Pilipinas ay mahirap
Ang Pilipino’y mayaman sa talento’t pangarap
Na gabay sa umuusbong na Saya!
Sa anumang paglalakbay na maharaya!
VII. Siklab! Sikad! Sigla!
Masasawata ang kirot na nadarama
Makakamtan muli ang ligaya
Matututong humakbang sa Tuwina!
VIII. Kahit ang ahas, nagpapalit balat
Upang katawa’y lumakit maging matatag
Tao pa kayang biniyayaan ng lahat
Upang ang bansa’t mundo’y maiangat!