Return to site

KINAGISANG WIKA: PAMANA

NG BANSA

ni: ELIZABETH N. MACARAEG, PhD

Kaluluwa ng bansa ay Wikang Filipino

Itinatangi sa lahat ng dayalekto

Namumukod kang tunay sa indayog at tunog

Angkin kahulugan mo’y nararamdamang lubos

 

Galing mong taglay sa bawat puso ay nunukal

Iyong binubuklod damdamin ng ating bayan;

Nasyonalismo ay sadya mong pinag-aalab

Ginto ang katulad minsa’y higit pa sa hiyas.

 

Wikang Filipino ang ating Wikang Pambansa

Iginagalang at ganap na dinadakila

Kinagisnang Wika pamana ng ating bansa

Ating pagyamanin, mahalin tuwina.

 

Pambansang pagkakaisa’y napakahalaga

Adhikain natin lahat maisasagawa;

Maging tapat, mapagkalinga’t mapagmahal

Ang dapat ibigay ng bawat mamamayan

 

Buong husay itong dapat nating itaguyod

Angkin kakayahan sa ‘ting wika ay mag-ambag

Sinusong wikang hayag sa buong kapuluan

Aregladong sandigan tungo sa kaunlaran!