Return to site

KATHA NG ISANG BATANGUEÑONG TAPAT

NA MANGINGIBIG

ni: RENEGADE C. LUBID

I.

Ako’y isang mangingibig, tapat sa aking paraluman

Ako ay may pagkabusilak, isip puso’t kalahatan

Ako ay wangis ni Rizal, kay Bonifacio ang tapang

Ako’y isang Pilipino, at walang pagkadayuhan

 

II.

Katotong batid kong ikaw, marahil di maniwala

Kung sambitin yaring bibig, tapat akong sumisinta

Sa akin ngang pinagmulan, sa wika’t maging kultura

Sa akin makakaasang, lagi’t lagi tatalima

 

III.

Kaya naman sa’king wika, h’wag na h’wag ngang mag-aala

Mahal kita gaya ng, sa’king saril’t sa kanya

Makakaasa ka laging, gamit sa pakikibaka

Ganoon akong magmahal, puso’t tagos kaluluwa

 

IV.

Oh irog kong aking wika, lagi mo akong ibilang

Sa lahat ng nagtatanggol, sa lahat ng gumagalang

Pinipili kitang lagi, magsilang man ibang wika

Sa’yo buhay ang kultura, mayaman at masagana

 

V.

Sana’y matutuhan nilang, magmahal tulad ng akin

Nakikita ang galing mo, halaga at tulong sa bansa rin

Sana bagong kabataan, ikaw ay lubos mapansin

Dahil ikaw ay ang wikang, kailangan mula paggising

 

VI

Sa dulot mong lapnos darang, ramdam na ramdam ang init

Sumibol ang sigla at kulay, kultura’y laging may bihis

Mahal kita sa paraang, hindi kita matitiis

Salamat Wikang Filipino, iniibig kitang labis

 

VII

Tulang ito’y para sa’yo, aking Wilkang Filipino

Sa’yo lagi itong pugay, lagi-lagi pagsaludo

Sa pakinabang mong dala, lagi’t lagi akong sa’yo

Oo, ipagmamalaki, iibig nang taas-noo