·
Simula ng mamulat sa bansang sinilangan
Pilipinas kong mahal ay tunay na maaasahan
Iba’t ibang pagsubok man ang naranasan
Di tayo natinag magpakailanman.
Ang mga bagyong dulot ay pinsala
May pandemya pang tunay na malubha
Hinamon ang buhay at ekonomiya
Pilipinas lumaban, di nawalan ng pag-asa.
Ilang unos pa man ang dumating sa atin
Sa pagtutulungan at tibay ng damdamin
Paghihirap ay malalagpasan kung positibo ang hangarin
Panginoon ang siyang gabay sa landas na tatahakin.
Pilipino tayong lahi ng matatapang
Di nagpaapi sa anumang digmaan
Patunay itong hindi natin uurungan
Bagyo man o pandemya ang ating kalaban.