Return to site

KASANAYAN SA PAGBASA SA WIKANG FILIPINONG MGA MAG-AARAL NG BAITANG 7 SA MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA
NG KAYLAWAY: MUNGKAHING MODYUL

DECERRIE MERABITE ENDRINAL

· Volume IV Issue III

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kasanayan sa pagbasa sa wikang Filipino ng mga mag-aaral sa baitang 7. Sa nasabing pananaliksik nahalaw ang mga sumusunod na konklusyon.

Napatunayan na ang malaki ang naging dulot ng pandemya sa larangan ng pagbasa sa mga mag-aaral lalo’t higit sa baitang pito ng sekondarya sapagkat hindi nahasa ang kanilang kakayahan sa pagbasa na nagdulot ng kahirapan sa pagkilala ng salita at pang-unawa sa binasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang kaugnayan ang pagkilala ng salita upang lubos na maunawaan ang binasa ng mga mag-aaral sa baitang 7 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Kaylaway. Isang daan at siyamnapu’t siyam (199) mag-aaral ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring estadistikong Pearson r, independent t-test at F test. Natuklasan sa pag-aaral na kapag nababasa ng malinaw at maayos ang isang teksto ay mauunawaan at mabibigyang kahulugan ang nilalaman. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang kasanayan pagbasa ay isa sa pinakamahalaga upang mahasa ang kakayahang umunlad at makamit ang tagumpay sa darating na hinaharap.

Mga Susing Salita: Kasanayan sa Pagbasa, wikang Filipino, Baitang 7