“Anong magagawa mo, babae ka lang?” Madalas naririnig natin sa mga taong mataas ang tingin sa kanilang sarili, na animoy sila ang hari ng karunungan. Mga taong alam lamang na magaling ay ang kanilang sarili at hindi tinitingnan ang kayang gawain ng mga taong nakapalibot sa kanila lalo ng isang babae. Mga taong ang tingin sa mga babae ay hinugot lamang sa kanilang tadyang kung kaya’t dapat maging sunud-sunuran sa kanilang mga nais at gustong gawain.
Sa panahon ngayon, kalma ka lang mababae malalaki ay pantay na. Walang bagay na ang hindi kayang gawin ng mga babae sa mga gawain ng mga lalaki. Madalas higit pa ang kanilang nagagawa na nagiging dahilan kung kaya hindi matanggap sa lipunan.
Kalma ka lang, Ako lang to. Ang babae na iyong sinayang, ang babae na iyong hindi ipinaglaban, ang babae na binalewala mo na kalaunan ay namulat sa katotohanan. Sa katotohanang nagbigay ng panibagong bukas upang magising sa bangungot ng kahapong nais kong kalimutan.
Salamat sa lahat ng pasakit, sa lahat ng sugat na iyong idinulot upang makilala ko ang aking sarili at maging isang matatag na babae na handang humarap sa iyo ngayon ng taas noo upang masabing KALMA ka lang, Ako lang to.
Sa muli nating pagkikita nais kong ipakita sayo na hindi na AKo lang to kundi AKO ITO. Dahil sa’yo naging matagumpay ako, nakaya ko lahat ng pagsubok upang ipakita na hindi lamang sayo naikot ang mundo ko. Kaya ko ng wala ang isang ikaw dahil madami pa ang mga taong nakapalibot sa akin na nagmamahal at handang sumuporta. KALMA Ka lang, ako lang to na masaya na sa buhay, payapa ang isipan at mulat na sa reyalidad ng mundong ating ginagalawan. Maikli lamang ang buhay kung kaya’t mas piliin nating maging kapakipakinabang at ienjoy ang buhay.