Return to site

KAIBIGAN NGAYON AT MAGPAKAILANMAN

RUFINA M. ROSALES

Balayan East Central School

· Volume V Issue IV

Ang buhay ng tao ay tunay na mahiwaga

Minsan malungkot, minsan masaya

Saanman patungo at landas na papunta

Sa anumang gawain kailangan ng kabaka

 

Kaibigan ang turing sa laging kasama

Sa hirap at ginhawa kasama mo tuwina

Anumang suliranin, napapagaan, nakakaya

Basta’t may taong handang umalalay kapagdaka

 

Mahirap mag-isa lalo’t wala ang pamilya

Pangungulila at kalungkutan ang laging alintana

Nguni’t dahil may kaibigang nasasandalan ka

Anumang suliranin napapawi, nakakaya.

 

Ating ingatan, Kaibigang tunay

Kapag iyong nakita’y huwag pakawalan pa

Dahil hindi lahat ay nakakatagpo ng tunay na kaibigan

Na handang dumamay ngayon at magpakailanman.