May mga kahon tayong nakikita saanman
Gawang papel na maninipis at makakapal
Iba’t ibang klaseng tibay na inaasahan
Mga sisidlan ng gamit at alaala na maaring ilaman
Minsa’y napulot ito ng isang bata
Pagdating sa bahay kanya itong itinabi at ginamit
Sa pag-aakala ng kanyang ina, ito ay kanyang iipunin
Sa layuning ibenta sa pamilihan kapag ito’y dumami
Ang kahong ito’y kanyang pinalamutian at binalutan
Itinabi sa isang sulok ng kanilang tahanan
Sa wari’y hindi makikita ng kanyang ina.
Sa pagsapit ng dilim, binuksan ito ng ina at napasambit
Bumuhos ang luha ng ina na tulad ng patak ng ulan
Humagulgol na parang nasa kawalan
Walang ibang iniinda kundi ang pagmamahal ng anak
Pagmamahal na hindi masusuklian ninuman
Nakita sa kahon ang mga alaala ng nakaraan
Mga alaala na iginuhit na kay sarap balikan, at
Mga liham na gustong iparating sa kanyang ina
Mga sikreto ng anak na nais mapunan ng ina
Natuliro ang ina at nabagbag ang kaniyang damdamin
Susoungin ang kinabukasan upang mapadama,
Mapadama ang pagmamahal na iniintay ng anak
Hanggang hindi pa nahuhuli ang lahat.