ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang Kahalagahan ng Paggamit ng Wikang Filipino sa Larangan ng Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa baitang 10 ng DFLCMCFI.
Napatunayan na malaki ang naging dulot ng paggamit ng wikang filipino sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral ng baiting sampu sapagkat nahahasa ang kanilang pagkatuto sa mga aralin. Nahahasa din ang tamang gamit sa wika. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang pagaaral ang paggamit ng wikang filipino sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-sampung baitang ng mga mag-aaral sa Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. na may dalawampu’t pito (27) mag-aaral ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamit sa deskriptibong-kwalitatibo o paraang paglalarawang matimatikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan independent t-test. Natuklasan sa pag-aaral ng paggamit ng wikang filipino sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto ay may kahalagahan. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang paggamit ng wikang filipino sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto ay isa sa pinakamahalaga upang mahasa ang kakayahang umunlad at makamit ang tagumpay sa darating na hinaharap.
Mga Susing Salita: Paggamit ng Wikang Filipino, Larangan ng Pagtuturo at Pagkatuto, Baitang 10