ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa ika-walong baitang.
Napatunayan na ang malaki ang naging dulot ng asignaturang Filipino sa mag-aaral ng baitang walo sapagkat nahahasa ang kanilang pagkatuto ng mga magaaral. Nahahasa din ang pagawa ng proyekto. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang pagaaral ng asignaturang filipino sa ika walo baitang mga mag-aaral sa Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. na may labing walo (18) mag-aaral ang ginamit na tagatugon sapag-aaral na ginamit sa deskriptibong-kwalitatibo o paraang paglalarawang matimatikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan independent t-test. Natuklasan sa pag-aaral ng asignaturang filipino ay may kahalagahan. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang pagaaral ng asignaturang filipino ay isa sa pinakamahalaga upang mahasa ang kakayahang umunlad at makamit ang tagumpay sa darating na hinaharap.
Mga Susing Salita: Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa ika-walong Baitang