Return to site

KABISAAN NG E-KOMIKS SA PAGTUTURO NG NOBELANG EL FILIBUSTERISMO

MARY ANN C. DEGOLLADO

· Volume II Issue III

Purpose. Layunin ng pananaliksik na ito ay upang tayain ang kabisaan ng E-komiks sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo na siyang magsisilbing tulay upang mapataas pa ang antas ng kawilihan at magkaroon ng pokus sa pagkatuto ang mga mag-aaral.

Approch. Quantitative research ang ginamit ng mananaliksik bilang dulog sa pag-aaral. Nakapaloob sa pamamaraang ito ay ang kwantitatibong pamamaraan. Ang talatanungan sa pagsasarbey at talatanungan sa pauna at panapos na pagsusulit ang ginamit na instrumento sa pagkalap ng mga datos upang mabatid ang kabisaan ng E-komiks sa pagtuturo ng El Filibusterismo. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 160 na mag-aaral ng Baitang 10 na hinati sa dalawang pangkat na may pantay na katangian, tradisyunal na grupo na ginamitan ng lektyur na pamamaraan sa pagtuturo at eksperimental na grupo na ginamitan ng E-komiks sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo na mula sa Mataas na Paaralan ng Bulihan.

Result/Findings. Napatunayan ng mananaliksik na tumaas ang marka ng mga respondente lalo na ang experimental na pangkat dahil sa pagsisikap ng guro mailapat at magamit ang E-komiks sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo. May makabuluhang pagkakaiba sa pagtatayang isinagawa ng mga mag-aaral batay sa resulta ng pauna at panapos na pagsusulit. Sa 50 aytem na pagsusulit na ibinigay bago at pagkatapos ang pag-aaral, lumitaw na nagkamit ng mas mataas na puntos ang eksperimental na grupo pagkatapos gamitan ng E-komiks. Lumalabas na epektibo ang E-komiks sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo.

Implication/Value. Ang mananaliksik ay maglalahad ng mga sumusunod na konklusyon naayon sa kinalabasan ng pag-aaral, masasabing mabisa ang paggamit ng E-Komiks sa Pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo. Ang awtput sa pag-aaral na ito ay kompendyum lesson plan ng E-komiks sa pagtuturo ng El Filibusterismo bilang gabay sa kahusayan at kaunlarin ng mga guro upang mapalawak ang kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral.

KEY WORDS: Kabisaan, E-Komiks, Kagamitang Panturo