·
Ang buhay ni Juan,
Tila isang kawayan,
Kahit hagupitin ng hangin,
Tumatayo pa rin.
Binayo man ng bagyo,
Hindi niya ito sinukuan,
Panalangin ang kaniyang naging sandigan,
Isang buhay na makabuluhan.
Isang malaking sakuna,
Ang dalang dulot ng pandemya,
Maraming mata ang lumuha,
Pati si Juan ay labis na nagdusa.
Marami ang nakitil na buhay,
Naging miserable ang pamumuhay,
Mga mata ni Juan laging nakatunghay,
Sa pag-asang magkaroon ng saysay.
Katulad ng kawayan, yuyuko’t tutuwid,
Si Juan ay marangal na titindig,
Bagyo man o pandemya ang dumating,
Si Juan ay hinding-hindi padadaig.