I.
Noong unang panahon sa maliit na bayan ng Donsol ay mayroong isang lugar na sagana sa iba’t ibang yamang lupa at tubig. Ang mga taong nakatira dito ay masayahin, matulungin at mababait.
II.
Itunggan ang tawag sa lugar na malaparaiso ang ganda. Dito mo masisilayan ang napakagandang paglubog ng araw. Malinis na baybayin, banayad at tahimik na tubig sa dagat.
III.
Ang bawat isa ay abala sa iba’t ibang gawain. Pangingisda ang halos ikinabubuhay ng mga tao rito.
“Pareng, Norman mukhang ang dami mo namang huli”
Ang wika ni Mang Gonyo.
“Oo, pare, meron naman akong huli, Salamat sa Diyos, ikaw ba? Ang sagot ni Mang Norman.
“Kaunti lang ang huli ko ngayon, Pare, sambit ni Mang Gonyo.
Heto Pare, kunin mo at marami naman ako huli, dugtong ni Mang Norman.
Salamat, Pare, sagot ni Mang Gonyo, sabay tawanan ang dalawa.
IV.
Mayroon din namang nagtatrabaho sa bukid, sadyang ang mga Itunggenyo ay lubhang mapagbigay at matulungin.
“Magandang araw, sa inyo saan ba ang inyong lakad?” ang tanong ni Manay Batya.
“Kami po sana ay makikipagbarter ng aming produktong isda”, ang sagot ni Aling Batet.
“Hali kayo at tumuloy. Tamang - tama meron kami ditong bagong aning kamoteng gapang at kamoteng kahoy, saging, talong, sitaw, at langka. Mamili kayo kung ano ang gusto ninyo, “Ang masayang alok ni Manay Batya.
V.
“Aray! Inay ang sakit po ng aking paa at namamaga pa ito, hagulhol ni Kotloy.
“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Nanay Ruby. Halika, ipapatawas natin yan kay Lola Beta mo, dugtong pa ni Nanay Ruby.
Maya-maya pa ay naging maayos na ang lagay ni Kotloy. Laking pasasalamat ng pamilya ni Nanay Ruby kay Lola Beta.
VI.
Simple lamang ang pamumuhay ng bawat Itunggenyo. Ang mga bata ay masayang naglalaro. Malaya nilang nagagawa ang gustuhin nila. Masagana ang bunga ng niyog at marami ang nahuhuling isda. hindi rin sila nakalilimot na magpasalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng biyaya.
VII.
Isang araw nabalitaan ng teniente del barrio ang paglusob ng mga dayuhang Hapones sa Itunggan, kaya naman agad niyang pinalikas at pinatago ang bawat pamilya. Nang dumating ang mga Hapones sa Itunggan wala silang dinatnang tao. Kinuha nila ang mga bagay na mapapakinabanga. Ang mga bahay ay sinunog at maging ang simbahan ay hindi nakaligtas sa galit ng mga Hapones.
VIII.
Kaluno-lunos ang tumambad sa kanilang pagbabalik. Tupok na mga bahay, sira-sirang mga bangka, putol-putol na mga tanim at pati ang simbahan ay sinunog. Nanlumo ang kanilang mga mukha sa nakakaawang hitsura ng Itunggan.
IX.
Sa kanilang paglilinis sa simbahan. Natuklasan nila na hindi nasunog ang Krus.
“Isa itong himala!”, ang sigaw ni Lola Amparo. Napaluhod ang lahat at ang iba ay nagdasal.
“Purihin ang Diyos at purihin ang mahal na santo Kristo, sambit ng lahat.
X.
Nagkaroon ng prusisyon sa Itunggan at inilibot sa buong baryo ang Krus. Dahil sa pangyayaring ito mas naging malapit sa Diyos ang mga Itunggenyo. Pinanghawakan nila ang himalang dala ng Krus sa kabila ng nangyayari sa kanila.
XI.
Makalipas ang ilang buwan, unti-unting bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga Itunggenyo. Malaki ang naging epekto sa pagbabago ng buhay sa Itunggan, sa kalikasan, hanapbuhay at maging sa pakikisalamuha sa kapwa.
XII.
“Mahal kong kababaryo nais ko sanang isangguni sa inyo na palitan ng Sta. Cruz ang pangalang Itunggan,” ang mungkahi ng Tinyente del barrio.
“Maganda ang iyong mungkahi,” ang sumasangayong sagot ng hermana ng simbahan
“Nais kong marinig ang iba pang sagot ng mahal kong kababaryo,” dagdag pa ng tinyente.
“Sumasang-ayon kaming lahat,” ito ang mga salitang namumutawi sa bibig ng karamihan.
XIII.
Sa paglipas ng mga araw, naitayo na rin ang bagong kapilya ng Mahal na Santa Krus.
Sa Pagdaan ng araw, nagkaroon na rin dito ng mga Paaralang Elementarya dahil sa tulong ng bagong kapitan del Barrio na Esteban A. Gubot. At dahil sa nakitang parpupursige ng mga mag-aaral naitayo na din rito ang sekondarya mula naman sa mabuting puso ni Tomas A. Averilla na nagbigay ng lupang mapagtatayuan ng paaralan.
XIV.
Tahimik na ang buhay sa Sta. Cruz ng biglang magkaroon ng engkwentro ang mga CAFGO at sinasabing kalaban ng gobyerno. Meron din nadamay at namatay sa nasabing engkwentro. Dahil dito, muling nanumbalik ang takot at bakas ng nakalipas sa bawat tao.
XV.
Makaraan ang ilang araw, bumalik na sa payapa ang Sta. Cruz. Namuhay muli sa normal ang bawat isa. Bumalik sa pag-aaral ang mga bata. Ang iba ay lumuwas ng Maynila upang magtrabaho. Dahan-dahang sumigla ang pamumuhay sa Sta. Cruz na may ngiti sa mga labi.
XVI.
Sa panahong iyon, hindi pa rin nawala ang mga pagsubok sa bawat Itunggenyo. Isang malakas na ugong mula sa karagatan. Malaking barkong pamalakaya na kung tawagin ay “Pangulong” ang walang awang nanghuhuli ng mga isda sa dagat na sakop ng Sta. Cruz.
XVII.
Humina ang huling isda ng mga taga Itunggan. Maging ang ibang karatig baryo nila ay apektado sa illegal na panghuhuli ng isda ng nasabing barkong pamalakaya “Pangulong”. Mula noon naging konti na ang huli nila.
XVIII.
Sa paglaki ng populasyon sa Sta. Cruz ang iba ay naging pabaya at nagging iresponsable sa tamang pangangalaga ng yamang-lupa at dagat. Naging marumi ang dating malinis na ilog. Sa tuwing habagat, nagkalat ang basura tulad ng balat ng niyog at plastic dahil sa walang disiplina sa pagtatapon ng basura.
XIX.
Dumaan man sa maraming pagsubok ang bawat Itunggenyo ay mananatili pa rin matatag at handing lumaban sa anumang hamon sa buhay. Marami na ang mga nakapagtapos at naging propeiyonal. Makabagong edepisiyo na ang serbesiyo ay para sa Itunggenyo.
XX.
Sa kasaluyan, bukod sa magagandang taniwin tulad ng pagsikat ng araw, butanding sight, at over-looking na tanawin, tanyag na ang Sta. Cruz sa malalaking pusit na kung tawagin ay “Tamisan”. Kultura, at turismo ang sentro ng komersiyo para buhay ng bawat itunggenyo siguradong asenso progresibo.