Return to site

ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA IKAWALONG BAITANG NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA

NG LUMBANGAN - BASEHAN NG
MUNGKAHING MODYUL

JOSEFINA D. DE LA CUESTA

· Volume IV Issue III

ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Lumbangan, Lumbangan, Nasugbu, Batangas ng mag-aaral sa baitang 8. Ang paraan ng pag-aaral ay deskriptibo o paglalarawan sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ang mga respondente sa nasabing pag-aaral ay may isang daan at apatnapu’t dalawang (142) mga mag-aaral mula sa Ikawalong Baitang ng Lumbangan National High School. Walang ginamit na batayan sa pagpili sa mga respondente sapagkat kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang ginamit sa pag-aaral.

Batay sa mga konklusyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang masigasig na matutunan ang mga aralin sa Filipino gamit ang iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo ng guro maski sila man ay nasa tamang edad o may edad na at lalake man o bababe. Ang mga mag-aaral ay inaasahang may lubos na pang-unawa, interes, at kawilihan sa pagkatututo kung gagamitan ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo at mga teknolohikal na kagamitan gaya ng multimedia, dvd, at videos. Walang makabuluhang pagkakaiba sa sagot ng mga tagatugon hinggil sa motibasyon batay sa edad at kasarian. Samantala, mayroong makabuluhang ugnayan sa sagot ng mga tagatugon kung ang pag-uusapan ay ang grado o marka. Ang mungkahing modyul sa Filipino ay idinisenyo ng guro para mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Mga Susing Salita: Deskriptibo, Paggamit, kagamitang panturo, Istratehiya, Mag-aaral, epektibo, karanasan, Kooperatib na pag-aaral, positibong pananaw