Return to site

ISANG BANSA, IISANG WIKA

ni: KATE LYN M. ARCILLAS

Isang bansa, isang mithi

Wikang pinayabong at pinili

Wikang Filipino ang naging sanhi

Salamin ng ating kultura't lahi

 

Wikang Filipino, wikang kinagisnan ko

Pamana ng ating mga ninuno

Kailanma'y hindi magbabago

Ginagamit ng mga katutubo

 

Sariling wika'y isang kayamanan

Pinagbuklod-buklod ang mga mamamayan

Pinagtibay ang bawat samahan

Tradisyon at kaugalian ay napag-ingatan

 

Wikang Filipino ay siyang naging tulay

Upang tatlong kapuluan mapagtibay

Mga tao'y naghawak-kamay

Tungo sa bansang matagumpay

 

Umusbong kultura at pagkakakilanlan

Wikang Filipino ang naging dahilan

Kaya't tanggapin nang may kagalakan

Maging Pilipino'y isang karangalan