Tumigil ang ikot ng mundo,
Ang mga tao ay tumimo
Kasingbilis ng segundo,
Inilugmok ang bayan ko
Mga tao’y di magkamayaw,
Tila lahat gustong ihiyaw
Sakit na umaalingawngaw
Sa puso’t diwa’y may batingaw
Inilugmok ang bayan ko
Aming mundo’y ginulantang
Lahat tila nakalutang
Patutunguhan ay di alam
Pagka’t karamihan ay walang alam
Inilugmok ang bayan ko
Pandemyang kinakaharap
Sa sangkatauhan ay nagpapahirap
Tila baga ang bukas mawari ay mahirap
Nagsimulang mawalan ng pangarap
Inilugmok ang bayan ko
Ngunit sa tuwina ay ikintal
Kailanman ay di mabubuwal
Bayan naming minamahal
Ilugmok man ay uusal
Oo, Pilipino kami
Kailanma’y pasupil ay di naming gawi
Pagka’t Pilipino kami
Pesteng sakit ay di mamumutawi
Ilugmok man ang bayan ko.
Walang hindi kayang gawin
Lahat ay hindi palalampasin
Hangad na kaligtasan ay kamtin
Upang hinagpis ay pawiin
Ilugmok man ang bayan ko.
Pasasaan ba’t matatapos rin
Pighati ay diringgin
Ang lahat ay kayang tuparin
Ng taimtim manalangin
Ilugmok man ang bayan ko.