Return to site

IISA TAYONG KAMAY 

RAYMART SAGABAEN PONCEJA 

· Volume IV Issue I

Isa ka marahil sa mga napapatanong kung bakit may mga bagay na hindi inaasahang mangyari.

Di alintana mundo’y humigpit, sakuna’y biglang dumating.

Sakit na kumalat sa buong mundo’y hindi basta-basta biro.

Gobyerno ay nagka-isa upang sakit ay tuluyan nang tuldukan at wakasan.

 

Isa kaba sa kanila? Handang lumaban upang pag-asa ng bukas ay maibigay.

Walang alinlangan sa puso pagka’t buhay ng karamihan ay nakasalalay.

Ano man ang estado ng pamumuhay, pilit itong ipaglalaban upang manatiling buhay.

Tama! Sila nga! Sila ang magiging sinulid natin sa karayom na nakaantabay.

 

Bayani ang turing ko sa kanila, sapagkat buong tapang na inilalaban ang serbisyo para sa bayan.

Kahit hirap na sa laban, pilit silang nagpapatuloy upang bilang ng buhay ay hindi na mabawasan.

Saludo ako sa kanila sapagkat buong tapang, buhay ay itinaya para sa isa pang buhay.

Kaya wag nating kalimutang sila’y ipagdasal sapagkat sila ang tunay na sandata ng ating buhay.

 

Marahil marami sati’y puro na lang angal dahil sa mga batas na nanggaling sa mga nakatataas.

Bakit hindi na lang natin subukang magdasal upang itong sakuna ay tuluyan ng wakasan.

Pagkakaisa ang isang solusyon upang mapagtagumpayan ang laban na ito.

Alam ko na ang gusto ng puso ng bawat isa, takot at pangamba ay tuluyan ng mawala.

 

Isa lang naman ang nais kong iparating sa madla, frontliners sana ay ating tulungan.

Manatili tayo sa ating mga tahanan kung wala namang importansya ang ating pupuntahan.

Frontliners ng aming buhay, asahan niyong kayo’y aming sasamahan

Pandemya na dumating sa ating buhay, iisa tayong kamay at isusulong ang kinabukasan.