Return to site

IBA ANG AKO, IBA ANG IKAW, IISA ANG TAYO

ni: MIRALYN M. ALCANTARA

Ang AKO na may sariling paniniwala

Paniniwala na iba sa IKAW

Ngunit sa TAYO mithiin ay iisa

Pag-ibig ang susi sa pagkakaisa

Kahit wika ay iba-iba.

 

Ang AKO na sa tradisyon umaayon

Nilalayon din ng isang IKAW

Magkaiba man sa pagkakausal

Pagal ng TAYO ay di matutumbasan

Pagkat TAYO ay iisa anuman, saan man.

 

Pamumuhay ng AKO, buhay ng IKAW

Sa karukhaan o kaabundahan man

Paraan ng TAYO ay mababanaagan

Dugong Pilipino dumadaloy, umaapoy

Nang ang AKO at IKAW tagumpay ay patuloy.

 

Sa mga pangaral ng mga magulang

Lengguwahe may iba-iba, imahe nais ibandera

Taglay ng AKO, TAGLAY ng IKAW

Bakit uunawain? Bakit iintindihin?

Pilipino TAYO! Angat, mangingibabaw sa mundo.

 

Cuyunon, Hiligaynon, Ilokano, Ibanag, alinmang Tribong Pilipino

Magadal ako, ma-eskwela ako, agiskwela ak, magiskwela nga

Linyahang tatak Pilipino, gaano man ang hirap

Asam na karangalan, dulot ng paaralan

AKO, IKAW, TAYO, edukasyong hangad, dapat at sapat.

 

Relihiyon ng AKO, iba sa IKAW

Iisa ang TAYO, sa lumikha nagpupugay

Usal na dasal, ingatan at gabayan

Iisa ang pinatutunguhan, mag-unawaan, magmahalan

Buhay ng lahat, SIYA ang pinagmulan!

 

Mama, papa, nanay, tatay, ina, ama, Ate, kuya, manong, manang

ading, adong, bunso, dodoy, otoy, at dodong

Anumang katawagan, nag-uunawan, nagtutulungan

Magiliw sa bisita, pagmamahal ang dulot sa kapwa

AKO, IKAW, TAYO, Pilipinong makapamilya.

 

Wikang Filipino, mga lengguwaheng sumasalamin sa pinagmulan

Kaysarap pakinggan ating ipangalandakan

AKO na may pusong IKAW

IKAW na may hangad tulang ng AKO

TAYO ay iisa, TAYO ay Pilipino!