Return to site

HUWAG KANG SUSUKO 

REGGIE V. EVANGELISTA

· Volume IV Issue I

Ano ba ang kahihinatnan ng buhay ngayon?

Puro problema sa gitna ng pandemyang yaon

Namatay, nagutom at nawalan ng hanapbuhay

Di alam ang gagawin sa unos ng buhay.

 

Sektor ng pamahalaan lahat apektado

Hirap ibangon dahil lahat nabaldado

Ngunit edukasyon ng bawat mag-aaral hindi nalumpo

Dahil sa ibat-ibang paraan ng pag-aaral ay inendorso

 

Tulad ng pinoy di agad nauupos

Anumang pagsubok laging natatapos

Kayang lagpasan ng walang pasubali

Lahat ng pagsubok ng walang pagkakandili.

 

Pilipinong tunay kaylanman di natitinag at nababahala

Hampas ng malakas na alon, bagyo o anumang sakuna

Hindi sumusuko sa laban ng buhay kahit mahirap ang pinagdaanan

Ugaling matatag, matibay at matiyaga susi sa pagharap sa pagsubok.

 

Huwag kang susuko sa anumang hirap na naranasan

Gawing inspirasyon ang unos ng pagsubok

Liwanag ng kapalaran iyong masisilayan

Upang marating ang tagumpay ng buhay na inaasam.