Return to site

HINDI MATITINAG, BANSANG PILIPINAS 

JORGIE A. AGUADO 

· Volume IV Issue I

Sa patuloy na pagdami ng problema ng ating bansa,

Kalamidad, unos at pandemya,

Nananatili pa rin tayong nakatindig at nagkakaisa.

Bawat isa'y bitbit ay pag-asa.

 

Anumang pagsubok ang ating harapin,

Walang laban tayong hindi kakayanin,

Maging sa pagsulong ng edukasyon,

Hindi kayang pigilan mahirap man ang sitwasyon.

 

Pilipinas, anuman ang hamon,

Palaging mayroong solusyon.

Ang isa't isa ang inspirasyon,

Sa patuloy na pagbangon.

 

Pagtutulungan at pagkakaisa,

Ang susi at pag-asa,

Sa paglutas ng problema,

Tayo ay sama-sama.

 

Anumang bagyo at pandemya,

Hindi susuko at matutumba,

Hindi matitinag, bansang Pilipinas,

Titindig at mananatiling malakas.