Return to site

HAPLOS NG LAWISWIS

ni: CHARLIZE RHIANNE A. BAUTISTA

· Volume V Issue I

Naririnig kita, nararamdaman kita.

 

Pitik at kislap na indayog ng mga dahon

Gumagalaw sa pakiramdam na paahon

Buhanging patuloy na dumadaloy

Kagubatang lumiligoy-ligoy

 

Bakas ng nakaraang paririto

Simoy ng hanging hindi nagbabago

Saan, kailan, nandiyan magpakailanman

Bantayog ng ating kinagisnan

 

Lawiswis, saksi ng ating kasaysayan

Haplos na huwag sanang makakaligtaan

Pakiramdam ng agayay tandaan

Damdaming desisyong papahintulutan

 

Lenggwaheng simoy ng hangin

Isa isang katauhang kakabitin

Piliing madama ang hanging kayamanan

Mahalagang kasangkapan kinakailangan

 

O, Filipinong aking minamahal

Isang simoy na patuloy na dinadamdam

Umuukit sa puso’t isipang kay tagal

Agaas sa pebong-silang inaasam

 

Humaplos sa balat ng katauhan

Pakiramdam at ala-alang huwag kakalimutan

Iyan, lenggwaheng haplos ng lawiswis

Kailanman walang makakapagpaalis

 

Nararamdaman pa rin kita

O hanging, ika’y aking kinakamusta