Pakamahalin ang Wikang Pilipino.
Sapagkat ito ang sagisag nitong ating bayan,
Binubuklod nito ang ating damdamin
Ang ating isipan at mga layunin.
Wikang nakagisnan ay maihahalintulad sa kawayan
Na tunay na matatag, daanan man ng bagyo bahagyang yuyuko
At muling titindig tulad ng wikang Pilipino
laging matingkad sa bibig ng karunungan
tunay na ipaglalaban ang kultura at kasarinlan
Wikang Filipino sa baya’y
ituro… Gamiting instrumento sa
pagpanday sa karanungan
Upang ang natutunan ay umukit
Sa kaibuturan ng pusong makabayan…
Wikang katutubo ay nagagamit sa maraming larangan
Nang mga gawain na pampaaralan,
transaksyon sa bayan at sa sambayanan
Na maari na ring maging gabay sa sandaigdigan…
Wikang Pilipino’y dapat ipagtanggol
Lalo’t iisiping wikang banyagay ito’y nalalamon.
Ang maraming hirap ng ating mga ninuno
upang mapangalagaan at mapayabong.
Wikang Pilipino, ikaw ay mabuhay
Dangal lahi at kayamanan ng samabayanan
Minanang wikang itinanim sa puso’t isipan
Alay ng ating mga ninuno, Wikang iniingatan
Pamanang yamang di dapat pabayaan,
Halina’t pagyamanin ng buong giting
Dugong kayumanggi, pamana ng lahi
Para sa kaunlaran, Na di dapat masayang
Sapagkat ito’y salamin ng nakaraan na laging may puwang
Mula sa henersyon patungo sa iba.
Karanasan, gawi, at pagsamba,
Pagmamahal, pagtatangi at pagmithi
Mabuhay ka sapagkat ikay Pilipino
Na may Wikang pagkakakilanlan at kakanyahan
Wikang sa lahat ng oras at dako ay maasahan at masasandigan!