INTRODUKSYON
Sa mahigit na dalawang taong binalot ang buong mundo ng pandemya. pansamantalang nagkaroon ng malawakang lockdown para sa kaligtasan ng mga mamamayan. Subalit ang Kagawaran ng Edukasyon ay nag-isip ng iskima kung paanong ang edukasyon ay hindi mahihinto at tuloy ang pagpasok ng mga kabataan. Nagkaroon ng opsyon ang mga paaralan sa magiging sistema ng pagpapatuto sa mga bata. Modyular, Blended o Online na Pag-aaral. Sa kabila nito, maraming mga problema ang kinaharap ng mga guro lalo na sa gawaing pagpapabasa.
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pagbasa bilang isang makrong kasanayang pangkomunikasyon. Ito ay ang pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito rin ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ito ay isang kasanayan na dapat taglayin sapagkat dito nakasalalay ang pagkatuto tungo sa isang malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba. Ito rin ang magiging instrumento sa paghubog ng kanyang pagkatao.
Dahil sa dulog na ito ang mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral upang matukoy epekto ng pandemya sa naging resulta ng pagbasa batay sa kakayahan at pag-unawa sa binasang teksto. Batay sa magiging resulta ng pagsusuri, makabubuo ng interbensyon ang mananaliksik na makatutulong upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa sa panahon ng pandemya.
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik na pananaliksijk. Ang napiling respondente sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral mula sa Baitang 7. Isasagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng isahang pagpapabasa upang matukoy ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral na may kalakip na tanong na susuri sa pag-unawa sa binasa. Ana mananaliksik ay naghanda ng lunsaran sa pagbasa at tseklist upang malaman ang desulta ng ng pagbasa batay sa kakayahan at pag-unawa ng mga mag-aaral. Dahil sa pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri, ay walang pagtatangkang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mananaliksik.
Kinalabasan ng Pag-aaral
Batay sa naging resulta ng pagpapabasa, lumabas na may 47 mga mag-aaral ang kabilang sa “May Kabiguan” at mayroong 4 na mga mag-aaral ang kabilang sa “Hindi Makabasa” na nangngailangan ng gabay sa pagbasa.
Limitasyon/Implikasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga mag-aaral ng Baitang 7 na bibigyang-tuon ang naging epekto ng pandemya sa kakayahan at pag-unawa sa pagbasa para sa bubuuing interbensyon sa pagbasa.
Pagpapahalaga
Ang pag-aaral na ito ay para sa lahat ng mag-aaral ng Baitang 7. Ang inihanay na gawain at plano ay nakalaan sa mga mag-aaral na nangangailangan ng gabay sa pagbasa.
Susing Salita
pandemya, interbensyon, pagbasa, may kabiguan