Return to site

EKSPRESIBONG PAGSASANAY: TUGON SA MABABANG ANTAS NG KASANAYAN SA PAGSULAT SA FILIPINO 10

NG LIBJO NATIONAL HIGH SCHOOL

MARK JOHN Q. BUENVENIDA

· Volume III Issue II

ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng kalipunan ng mga ekspresibong pagsasanay na makatutulong sa mga mag-aaral upang mapataas ang antas ng kasanayan nila sa pagsulat.  Hinango ito sa resulta ng pag-aaral na tumutukoy sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat, natuklasang kahinaan sa pagsulat na may kinalaman sa kaalaman at anyo ng pagpapahayag, at ekspresibong pagsasanay na nabuo sa pagpapayaman ng pagtuturo sa Filipino. Gamit ang purposive sampling ay sangkot sa pag-aaral ang dalawang guro sa Filipino 10 at 194 na mga mag-aaral sa Baitang 10 na dumaan naman sa random sampling. Ang pangunahing instrumentong ginamit ay kwestyuneyr para sa mga guro at criterion analysis para sa mga mag-aaral. Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon gaya ng  bahagyang mahusay lamang ang antas ng mga mag-aaral sa pagsulat  na pinatunayan ng weighted mean nito; katamtamang naoobserbahan ng mga guro ang mga kahinaan sa pagsulat ng mga mag-aaral kung pag-uusapan ang kaalaman ukol dito at anyo ng pagpapahayag na pagsasalaysay at paglalahad; at ang pagbuo ng mga ekspresibong pagsasanay na makapagpapaunlad sa kasanayang pagsulat ay magpapayaman sa pagtuturo ng Filipino 10 kaya ito ay kailangan. Ang nabuong mga ekspresibong pagsasanay ay may kaugnayan sa kahinaang naobserbahan ng mga guro sa mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat. Naniniwala ang mananaliksik na lubusang makatutulong sa pagpapataas ng antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral ang mga pagsasanay na nabuo.

Keywords:  Ekspresibo, Pagsasanay, Pagsulat, Paglalahad, Pagsasalaysay, Kaalaman