ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa E-booklet Kwentuhan: Interbensyon sa Pagbasa at Pag-unawa sa Maikling Kwento sa mga piling mag-aaral na nasa ikawalong Baitang ng San Roque National High School sa Panuruang Taon 2021-2022. Napiling tagasagot ang mga mag-aaral sa ikawalong (8) baitang ng seksyong Molave at Yakal na animnapu (60) bilang ng mag-aaral. Latunin ng pag-aaral na ito na masagot ang katanungan na:1. Ano ang antas ng paggamit ng E-booklet kwentuhan batay sa mga sumusunod: Bahagi, Layunin, Nilalaman, Pagsasanay, Pagtataya. At Katangian; Teknikal na pormal at Disenyo 2. Ano ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagsusulit? 3. May makabuluhang pagkakaiba ba ang pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagsusulit? 4.Mayroon bang makabuluhang epekto ang paggamit ng E-Booklet Kwentuhan sa pagganap ng mga mag-aaral?
Paraang eksperimental ang ginamit kung saan pinaghambing ang resulta ng pauna at panapos na pagsusulit ng piling pangkat ng mga mag-aaral. Ang mga tagasagot ay pinili sa pamamaraang purposibong pagtukoy ng kinatawan upang maging mas epektibo ang resulta ng pag-aaral. Gumamit ng mean at T-test upang makuha ang resulta ng pag-aaral
Konklusyon
Sa pamamagitan ng mga inilahad na kinalabasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon
1. Ang haypotesis na nasa unang kabanata na “Walang makabuluhang kaugnayan ng paggamit ng sosyal midya sa kaalaman sa Wikang Filipino” ay huwag tanggapin, ipinapakita nito na “may makabuluhang” kaugnayan sa pagitan nila. Nagpapatunay lamang ito na ang paggamit ng sosyal midya ay nakatutulong sa pagpapalawak sa wikang Filipino.
2. At ang haypotesis na “Walang makabuluhang kaugnayan sa pagpapalawak ng kasanayan sa kaalaman ng wikang Filipino” ay huwag din tanggapin, sapagkat ipinapakita nito na “may makabuluhang” kaugnayan sa pagitan nila. Lumabas sa pag-aaral na nakatutulong ang sosyal midya sa pagpapalawak ng kasanayan sa kaalaman sa wikang Filipino.
see PDF attachment for more information