Return to site

DUGONG PILIPINO: SA INANG BAYA'Y TULAY NG PAGKAKAISA

NAIMAH E. DIMANGADAP 

· Volume IV Issue I

Samo't saring unos ang sa Inang Baya'y bumugso

Ramdam ang hapdi at dalamhati!

Hindi mapag alaman kung saan at kailan paparito

Ang dagok na siyang nag papahirap sa sambayanang Pilipino

 

Bagyo, sakuna't kahirapan ang daing ng mundo

Hindi ba't ramdam ng bawat isa ang sagwil na ito?

Hindi ba't nakapanlulumo ang dala ng mga suliraning ito?

Ang inang baya'y nakagapos sa sandamakmak na unos

 

Kalayaan ang sigaw ng sambayanang Pilipino!

Kalayaan sa pandemya at telang nakatabing sa bibig

Parang nasa hawlang hindi makawala

Pandemya at unos dala niyo'y pighati sa Inang Bayan

 

Ang oras ay nagdaraan, sumisibol ang panahon ng hindi alintana

Kinakayang labanan ang suliraning ito

Iyan, iyan! Ang motobasyon ng isang Pilipinong may pagkakilanlan

Pilipinong tatayo sa anumang dagok na pinapasan

 

Ako, Ikaw, Tayong lahat!

Hindi ba't nasa dugo nating ang salitang PAGKAKAISA?

Hindi matitibag ninuman, Pandemya man o bagyo ay 'di malilipol

Tibay at bisa ng Pagkakaisa laban sa sakunang tinatamasa yaon!

 

Pilipinas, Inang bayan na sinisinta

Kaming mga Pilipino'y patuloy na aahon

Lalaban at magiging matatag!

Sakuna ka lang! Pilipino kami!