Dalawang taon na pala akong patay. Magdadalawa na rin simula no'ng gabing yun. Pinatay mo ako—hinigop mo lahat ng lakas na meron ako—hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko.
Hindi dumanak ang dugo—luha. Saka hati-hating puso na para bang sinaksak ng ilang beses hanggang sa magkapirapiraso at hindi ko na ulit mabuo ang bawat parte nito. Dahil sa twing dadamputin ko ang piraso nagdurugo ako. Kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata, gusto ko sanang sabihin, tignan mo ako. Tignan mo kung paano ko buuin ang parte ko na mas malaki pa rin ang sayo.
Hindi ako makahinga—nawalan ng hangin ang puso ko. Nagapos ang mga salitang paulit-ulit tumutugtog sa aking tenga—hindi ako makahinga, kaya sa sobrang sikip nang sumabog.
Pinatay mo ako—nagpagala gala ang kaluluwa ko hindi ko na muli natagpuan ang sarili ko pinilit ko itong hanapin sa mga lugar na pinuntahan na tin, sa mga pagkain, mga bagay, kwento at ala-ala. Hindi ko na makita kung saan na sya napadpad, sa langit ba o nanatiling nasa iyo pa.
Hindi ko na natagpuan ang sarili simula ng gabing 'yun—pinatay mo ako.