Return to site

DALAWANG LIBO LABING SIYAM 

JELVIE JOY D. ADVINCULA 

· Volume IV Issue I

Dalawang libo labing siyam

Taong di makalimutan,

Simula ng nakaraan

Unti unting binago ating nakasanayan

 

Mula sa masiglang ngiti tuwing kamustahan

Ngayo'y nabahiran

kinailangang ikubli

Ating nakagisnan

 

Maging sa pag-aaral kakayaha’y nasubukan

Dating sigla sa pagpasok nabalot ng takot at hamon

Pagkatutong inaasam lalong sinubok ang kakayahan

Ang dating pagparoon kinailangang tuldukan

 

Hanggang sa kasalukuyan, nakulong sa nakaraan

Di magawang kumawala sa aninong pandemya ang may gawa

Dagdagan pa ng mga sakunang niyanig ang ating pangamba

Paanong babangon? bansang sinisinta

 

Sa dami ng banta, alin ang tamang salita

Ng mabigyang pag-asa pusong may takot at pangamba

Kaya’t minulat ang mata sa kasalukuyan

Sa mga batang musmos na di alintana ang pinagdaanan

 

Doo'y napagtanto ang muntik ng makalimutan

Pilipinas nga pala’y kakaiba ma pa pandemya o sakuna

Di sinusukuan ano mang kailangang suungan

Talagang Pusong Pinoy tunay na hahangaan