·
Aking inaabangan ang makulay na sandali
Nagmamadali nang hindi mahuli
Kulay lilang kalangitan ay inaasahan
Kung saan maihahalintulad sa puso kong umaapoy sa kagalakan
Sa magdamag kong paghimlay
Aking nasusulyapan ang iyong kalangitan
Puno man ng ulap ay akin paring inaasahan
Inaasahang magisnan liwanag mong wari ay walang hangganan
Maihahalintulad ka sa takipsilim
Ngunit kasabay mo ay puso kong bumabangon
Dahil sa iyo ay handa na akong harapin ang mundong magulo
At sa hirap ay naniniwalang aahon
Sa aking panaginip ay hindi ko maikubli
Ang pananabik ko tuwing diwa ko ay babalik sa katotohanan
Kung saan aking inaabangan
Pagsikat mong sa akin ay nagbigay kagalakan