Return to site

BUHAY NG KINABUKASAN

ni: ELLARD SAIASI L. ALMUETE

Nagmula sa ating lahi, diwa ng pangakong lupa

Salamin ng ating pagkatao, tayo’y nagging malaya

Simbolo ng mayabong at mayamang kasaysayan,

Nagbigay sa bawat Pilipino ng tunay na pagkakakilanlan

 

Sa kasaysayan at kuwento ng Inang Wika

Nagmumula mga pangiatain, aral at karunungan,

Mga salitang may lalim, halaga at panghalina

Nag-uugnay sa ating mga pangitain at pangarap sa bayan.

 

Sa mga tula at awit, damdamin ay nahuhugot,

Kawanigs ng pag-ibig, pag-asa, sa liriko'y umiikot,

Wika'y sining, sa isip ng kabataang Pilipino’y naglalaro,

Sa bawat taludtod, kultura'y sumasayaw, nagiging totoo.

 

Kaming kabataang pag-asa’y nagbabanyuhay

Sa bawat hakbang ng pag-unlad, ikaw pa rin ang gabay

O Wikang Filipino, anumang lahing Pilipino’y pinag-uugnay

Sa ating nakaraan at hinaharap, nagsisilbing tulay.

 

Kabataang matatag, ipagmalaki ating wika’t lahi

Ito’y pamana at simulain ng karunungan - ating binhi

Sa bawat henerasyon, mayamang kultura’y patuloy na ibandila

Pagka’t ito ang buhay ng kinabukasan at yamang Maharlika.