Return to site

“BIYAYA YAN”

RODEL MORALES

· Volume II Issue I

"Renzo! bumangon ka na at tanghali na, ikaw na bata ka talaga." boses ng aking Lola Ebeng na siyang nagpagising sa akin.

Isang umaga nanaman na kailangan kong tapusin kung maari lang na dito na lamang ako sa aking higaan maghapon wala rin naman akong natutunan sa bawat guro, inaantok lang ako puro bagsak din lahat ng pagsusulit ko pero may napasa naman akong isa kahit papaano yung asignaturang Edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao, Values kong tawagin. Pero hindi daw naman ako bobo sabi ng aking guro tamad lang daw at may pagkapilyo.

"Ang lamig! ang lamig naman ng tubig parang mayroong yelo." nangangatog na tinuran ni Renzo habang nagbubuhos na ng tubig habang naliligo.

Kung maaari lang na pumasok kahit walang ligo matagal ko na sigurong ginawa dahil sa tuwing papasok ako sa banyo ay para akong nasa ibang kontenente kung saan nakatira yung tinatawag nilang Santa. Hindi kasi ako naniniwala roon antagal ko na kasing hinihinging regalo ang bumalik si mama at papa pero ilang pasko na ang lumipas ay wala parin sila.

" Apo! Renzo bakit napakatagal mo naman atang gumamit ng banyo? Mahuhuli ka na sa klase ang bagal mo kumilos." winika ni Lola Ebeng na nagpaplantsa ng aking uniporme.

"Patapos na po Lola, malapit na po." tugon ni Renzo habang nagpupunas na ng kanyang tuwalya.

"Dalian mo at nakahain na ang iyong kakainin apo " wika ni Lola.

Binata na ako pero nakakahiya man sabihin eh! Talagang hanggang ngayon ay nariyan parin ang aking Lola upang ako ay alalayan sa mga dapat gawin.

Matapos kumain ni Renzo ay agad itong nagbihis ng uniporme nang sa gayon ay makaalis na at baka mahuli pa sa unang araw ng klase.

"Handa na po ako Lola." wika ni Renzo na abot tenga ang ngiti dahil sa suot na baging unipormeng binili ng kanyang Lola.

Medyo inaantok pa ako pero nangingibabaw parin ang aking kagalakan sa mga bagong kamag - aral na aking makasasalamuha.

Nang makarating sa paaralan ay agad tinungo ang itinalaga sa kanyang silid - aralan at ng matuntun ito agad na naghanap si Renzo ng kanyang mauupuan.

"Bakit ganoon may mali ba akong ginawa o may mali sa mukha? Bakit nila ako tinititigan?" sinabi nito sa kanyang sarili.

Nang maupo si Renzo ay inayos nito ang kanyang bag at inilagay sa likurang bahagi ng kanyang kahelerang upuan nang sa gayon ay madali lamang niyang makuha ang kanyang gamit dahil nasa harapan lamang niya ito.

Maya - maya lamang ay dumating na ang kanilang guro at nagsimula ng magpakilala.

"Mapagpalang umaga klase!" nakangiting winika ng kanilang guro.

"Mapagpalang umaga rin po Binibining..." sabay sabay na wika ng mga mag - aaral.

"Mga anak Binibing Virginia, ang inyong gurong tagapayo sa taong ito." nakangiting kanyang tinuran.

"Magandang umaga po Binibining Virginia Rivera!" muling pagbati ng mga mag - aaral.

"Maupo na ang lahat." wika ng kanilang guro.

Habang kanyang tinatalakay ang kanyang mga patakaran ay isinusulat ito ng mga mag - aaral upang hindi malimutan.

"Tatlo lamang naman ang patakaran sa kalseng ito para sa inyong kaalaman ito ang una ay magpasa ng mga takdang aralin at ipasa ang bawag pagsusulit. Pangalawa naman ay makisali sa talakayan ng klase at mga gawain. At ang pinakamahalaga sa lahat ay ayaw ko ng nahuhuli sa pagpasok sa klase ko. Maliwanag ba?" turan ni Binibining Rivera ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Magandang umaga po, paumanhin po kung nahuli ako sa inyong klase." wika ng isang magandang babaeng nakatayo sa pintuan ng aming silid aralan.

"Unang araw pa lamang ng pagkikita sa klase ay nahuli ka na, inaasahan kong hindi na ito mauulit maliwanag ba?" Wika ni Binibining Rivera sa babae na tila bang ipinahiya sa harapan ng klase.

"Opo, pasensiya na pong muli." nakayukong winika ng babae.

"Oh! Pumasok ka na at umupo, pasensiya narin anak iyan kasi ang pinakaayaw ko sa lahat ang mahuli sa klase ko." nakangiting wika ni Binibining Rivera.

Wala iba pang bakanteng upuan sa loob ng silid kundi ang sa harapang upuang kahelera ni Renzo. Kaya't doon naupo ang babaeng hindi parin natitinag sa kanyang pagkakayuko.

 

"Makinig klase, iiwan ko na kayo at gamitin ang oras ko upang makilala ang isa't - isa at maghanda sa ating talakayan bukas. Paalam na sa inyo." nakangiting tinuran ni Binibining Rivera.

 

"Paalam na rin po Binibining Virginia Rivera, masaya kaming kayo at nakilala. Mabuhay!" sabay - sabay na tugon ng mga mag - aaral.

 

Nang makaalis na si Binibining Rivera ay agad lumikha ng ingay sa aming silid dahil ang bawat isa ay nagpapakilala at nakikipagpalitan ng ngiti.

 

Sa kabila ng ingay ng bawat isa ay mayroong isang nakayuko at tila ba'y tanging kaibigan ay ang kanyang telepono at earphone na nakasalpak sa kanyang tainga.

 

"Magandang umaga sa iyo!" nakangiting wika ni Renzo.

 

Tiningnan lamang siya nito at muling ibinaling ang tingin sa kanyang telepono.

 

"Magandang buhay! Ang pangalan ko ay Renzo Pineda." muling pagsubok ng binata.

 

At sa wakas ay nagsalita na rin ito.

 

"Magandang umaga rin sa iyo, ako naman si Liza Benedicto." maikling tugon nito at hindi maipagkakaila ang kanyang mukhang mala - anghel.

 

At muling ibinaling ang sarili sa kanyang telepono.

 

Tila ba'y kakaiba ang bilis ng tibok ng kanyang puso, hindi naniniwala ang binata sa tinatawag na "pagmamahal sa unang kita " kaya't hindi na lamang niya pinansin ang kanyang nararamdaman at napaawit na lamang ito.

"Naghihintay tamang panahon upang sabihin ko,

Ikaw lamang walang iba ang iibigin ko.

Nangangako sa yo habang buhay tayo lamang,

Ang mamahalin ikaw walang iba." awit ni Renzo habang nakayuko at ramdam na ramdam ito.

Nagulat ito ng biglang may kumalabit sa kanya.

"Kuya, mali po yung liriko mo, ito oh! mayroon ako niyan sa mga tugtog ko "tamang panahon" ang titulo niyan tama ba?" nakangiting sinabi ni Liza habang inaabot ang isang bahagi ng kanyang earphone.

"Oo, tama ka ayun nga ang titulo ng aking inaawit." nakangiting wika ni Renzo habang kinukuha ang kabilang parte ng earphone ni Liza.

Nang magsimula ang awitin ay napaawit na lamang ang dalawa at nagulat sa isa't isa.

"Alam mo rin pala ito?" nakangiting tanong ni Renzo.

"Oo, paborito ko kasi iyan." tugon ni Liza.

Nang matapos ang klase nila ay nagpaalam na si Renzo kay Liza upang umuwe dahil baka hanapin na siya ng kanyang Lola.

"Lola, narito na po ako. Mano po." nakangiting bati ng binata.

"Kaawaan ka ng Diyos apo! Kumusta ang unang araw mo tila waring iba ang ngiti sa iyong mga labi?" pagtatakang sinabi ng kanyang Lola dahil hindi naman ito pala ngiti sa tuwing uuwe pagkagaling sa paaralan kung ihahambing sa mga nakaraang taon.

"Wala po ito Lola, nagagalak lang po ako dahil nakakilala ako ng mga bagong kaibigan." agad na tugon ni Renzo kahit na ang totoo ay sa dinami - rami ng kanyang nakilala kanina sa klase ay tanging isa lamang ang siyang dahilan ng kanyang hindi maubos - ubos na ngiti.

Hindi ko alam kong dapat ba akong magpasalamat pero mula ng araw na iyon ng makilala si Liza ay para bang ayaw ko ng umuwe sa bahay at sa paaralan na lamang mamalagi nang sa gayon ay nasisilayan ko ang mala - anghel niyang mukha.

Kinabukasan ay laking gulat ng kanyang lola Ebeng ng makitang maagang gumising ang apo at tila bang may humahabol sa bilis nitong kumilos.

"Magandang umaga po Lola!" masayang pagbati ni Renzo sabay mano sa kanyang Lola.

"Magandang umaga rin sa iyo. Bakit tila atang nakakapanibago ang apo ko, dati - rati ay kailangan ko pang gumising ng maaga para lamang gisingin ka pero ngayon nauuna ka pang gumising sa Lola mo at bakit para bang hinabol ka ng kung sino, madaling - madali ka sa pagaasikaso?" pagtataka ng kanyang Lola Ebeng sa kanyang mabilis na pagbabago.

"Wala po ito Lola, wag po kayong mag - alala ayaw ko lamang pong mahuli sa klase."nakangising tugon nito sa tanong ng kanyang Lola.

Nang maayos ang kanyang mga gamit at susuotin ay agad na kinuha nito ang kanyang tuwalya. Tumungo sa kanilang palikuran at ang dating Renzo na tila ay isang pusang takot sa tilamsik ng tubig ay ngayo'y isang Lion na hindi alintana ang lamig ng tubig, pinagbuti nito ang paglilinis ng katawan upang pag nagkita na sila ni Liza sa paaralan ay maging kaaya - aya ang kanyang amoy. Matapos maligo at magpunas ng katawan ay hindi na nagsayang ng ni segundo ng kanyang oras nagbihis ng kanyang uniporme, kumain matapos nito ay dala ang armas niyang suklay ay sumugod at tumutok sa harap ng salamin.

"Apo, Renzo baka naman pagkaguluhan ka na niyan sa inyong paaralan, sadyang iyong isinasaayos ang iyong suot at lalo pa ang iyong buhok. Hay naku, binata na nga ang apo ko. Parang dati lang ako pa ang naghuhugas ng iyong puwetan at nagpupunas ng uhog mong unti - unti mong hinihigop at iniipon sa ilong." pabirong tinuran ng kanyang Lola Ebeng.

"Lola naman, nais ko lamang po na ako ay nakita ng aking mga kamag - aral at guro na presentable ako at malinis." agad na winika nitong bakas ang hiya sa mga mukha.

"Oh sige na apo, pumasok ka na at baka mahuli ka pa sa klase." wika ng kanyang Lola.

"Aalis na po ako Lola, salamat po." nakangiting pamamaalam nito.

Matapos magpaalam sa kanyang Lola Ebeng ay agad itong umalis patungong paaralan at bakas ang pananabik na masilayan si Liza.

Nang makarating sa kanyang silid - aralan ay agad nitong ibinaling ang tingin sa lugar na kinauupuan ni Liza subalit wala pa ito. Nagtungo na lamang si Renzo sa kanyang upuan at nagantay sa pagdating nito.

Hindi mapakali si ang binatang si Renzo katitingin sa kanyang relo dahil tatlong minuto na lamang ay magsisimula na ang klase. Maya - maya ay dumating na ang babaeng kanina niya pa inaantay.

"Maganda ka pa sa umaga Liza." maagang banat nito.

"Huh? Ano?" sabi nito na tila nabingi sa sinabi ng binata.

"Ah? Wala ang sabi ko, Magandang umaga." nahihiyang wika nito.

" Magandang umaga rin sa iyo Renzo, napakaaga mo naman pumasok siguro ay malapit ka lang ba dito?" tanong ng dalaga.

"Oo, malapit lang iilang metro lamang ang layo nito sa aming tahanan." tugo ni Renzo.

"Ikaw, bakit muntikan ka nanamang mahuli? Malayo ka ba rito?" tanong nito kay Liza.

"Kaya nga eh, malapit lang din ako sapagkat bagong lipat lang kami galing kasi ako ng ibang paaralan." sagot ng dalaga.

"Ayun naman pala eh, bakit nahuhuli ka parin sa ating klase?" pagtatakang winika ni Renzo.

"Nakipagkita pa kasi sa akin ang kasintahan ko." nakangiting tinuran ni Liza.

Hindi na nakaimik ang binatang si Renzo at tanging isang pekeng ngiti na lamang ang naging tugon nito.

Bakit ganoon, parang may ibang sakit akong naramdaman sa aking narinig? May kasintahan na pala si Liza. Tila ang puso kong pulang - pula ay nagbabadyang sumabog.

Nais na lamang niyang maubos ang oras nang sa gayon ay makauwe na at magmukmok sa kaniyang silid. Dahil sa narinig ay mula simula hanggang matapos ang klase ay naging tahimik ang binatang si Renzo. Hindi nakinig sa talakayan, lutang ang isipan. At pilit na kinokontrol ang kaniyang emosyon.

Umuwe si Renzo ng hindi nagpapaalam kay Liza at dire - diretso lamang ito hanggang sa makarating sa kanilang tahanan at agad tinahak ang kanyang silid.

"Anong nangyare apo? May problema ba?" pag - aalalang winika ng kanyang Lola Ebeng.

"Wala po Lola, ayus lamang po ako. Pagod at nais ko lang pong magpahinga." pagdadahilan ni Renzo.

"Kumain ka na muna apo." utos ng kanyang Lola.

 

"Hindi na po Lola, kumain po ako kanina sa paaralan bago umuwe." wika ng binatang walang gana dahil sa kaganapan.

 

Malalim na ang gabi ng marinig ng mag - lola ang tinig ng isang lalaking tumatawag mula sa labas.

"Lola Ebeng! Lola Ebeng! may isang babae pong naghahanap kay Renzo kaklase niya raw ho!" wika ng lalaking piangtanungan ni Liza.

 

"Renzo! may kaklase ka raw na naghahanap sa iyo, labasin mo muna." pagtatakang winika ng kanyang Lola Ebeng.

 

"Sige po Lola, magpahinga na po kayo." tugon ng binatang may pagtataka kung sino ang babae na naghahanap sa kanya kahit na may kutob na siya kung sino ito.

 

Malalim na ang gabi pero bakit may nagtungo pa sa aming tahanan at hinahanap ako, may kutob man ako sa kung sino ba ang babaeng iyon ay pilit ko itong binubura dahil baka masaktan lamang ako kung hindi siya ang aking masilayan.

 

Ang binatang si Renzo ay tumungo sa salamin at inayos ang sarili at sa hiya na maghintay ang babaeng nasa labas ay hindi na ito nagpalit pa ng damit tanging boxer na salwal at sandong manipis, matipuno naman ito kaya ayos lang. Matapos maayos ang sarili ay agad itong tumungo sa labas at tama nga ang kanyang kutob si Liza nga ang nasa labas.

 

"Oh! Liza, anong ginagawa mo rito gabing - gabi na ah?" pagtatakang tanong ni Renzo.

 

"Renzo! magkaibigan tayo hindi ba? Kailangan ko ng kausap, samahan mo naman ako." mangiyak - ngiyak na wika nito.

"Ano ba ang nangyare Liza at bakit tila ikaw ay lasing?" pag - aalalang tanong ng binata.

"Nakipaghiwalay na siya sa akin Renzo! Nahuli ko siyang may kasamang ibang babae. Ang sakit, napakasakit kaya uminom ako dahil baka sakaling malimutan ko. Wala naman akong ibang kaibigan eh, ikaw lang Renzo, samahan mo naman ako oh." pagmamakaawa ng dalagang lasing na lasing sa alak.

"Ahh - eh, paano yan? pasensya na dahil gabi na at baka mapahamak pa tayo dito sa labas." tanging nasabi ni Renzo dahil sa hirap itong tumanggi sa dalaga.

"Ah, sige pasensya na sa pang-iistorbo sa iba na lamang ako magpapasama. Sige mauna na ako." pagpapaawa ni Liza sa binata.

"Sandali lang Liza, hindi naman ganon ang aking nais ituran. Ganito na lamang ihahatid kita sa inyo at magkwentuhan tayo habang naglalakad hanggang sa makarating tayo sa bahay niyo. Ayus ba yun?" sinabi ng Renzong naaawa sa dalagang si Liza.

"Sige Renzo! Salamat sa iyo kaibigan nga talaga kita." nakangiting tugon ng dalaga.

Isinara ni Renzo ang pintuan ng kanilang tahanan at hindi na nagpaalam sa kanyang Lola dahil sa tulog na ito.

Habang naglalakad at nagkukwentuhan ang dalawa tungkol sa problema ni Liza at kanyang kasintahan ay bigla na lamang umulan kaya't sumilong na muna ang dalawa sa isang kubo sa may iskinita.

Sa lakas ng ulan ay nakaramdam ng ginaw si Liza kahit na ito ay may tama parin ng alak.

"Renzo, ang lamig!" nanginginig na winika ng dalaga.

Agad namang hinubad ni Renzo ang kanyang sando at itinapis ito kay Liza.

"Paumnahin sapagkat wala akong dalang jacket kaya't pagdamutan mo na muna iyang aking sando malinis naman yan at mabango." wika ni Renzo habang tinatabunan ang katawan gamit ang kanyang mga kamay dahil tanging ang salwal na lamang ang kanyang suot.

"Naku Renzo! Hindi mo na dapat hinubad itong sando mo lalamigin ka niyan." pag - aalalang winika ni Liza sa nangangatog na si Renzo.

Lumipas ang halos kalahating oras ay hindi parin lumilisan ang ulat at lalo pa itong lumalakas kaya't wala silang magawa kundi ang manatili sa madilim na kubo sa iskinita.

"Maraming salamat sa iyo Renzo, pati ikaw na dadamay pa sa problema ko." wika ni Liza sabay yakap sa binata.

Nakaramdam ng init ang dalawa dahil sa pagdidikit ng kanilang katawan at naramdaman na lamang ni Renzo na unti - unting lumalapat ang mga labi ni Liza sa kanyang mga labi.

"Sandali lamang Liza tila waing hindi tama ito, lasing ka lamang at may problema!" wika ng binata kasabay ang pagbitaw sa kanilang mainit na paghahalikan.

Ngunit hindi natinag ang pagnanais makabawe ni Liza kaya naman muli siyang hinagkan nito.

"Gawin mo ang gusto mo Renzo upang makabawi ako sa iyo." wika ng dalagang hindi parin nakakalaya sa ispirito ng alak.

Dahil sa narinig ay nadala na rin si Renzo sa pagnanais makaranas at makaramdam ng init sa piling ni Liza.

Nagpatuloy sa pagpapalitan ng laway ang ang dalawa at paglalaban ng mga dila hanggang sa nagsanib at nagpalitan ng ungol dahil sa kabila ng lamig ng gabi ay ang pagsasalo nila sa init tawag ng laman. Hanggang sa maramdaman ni Renzo na unti - unting gumagapang ang kiliti sa kanyang ari na nagbabadyang dumanak ang kanyang gata at sa huling pagbayo nito ay ang mahigpit na kapit ng dalaga dahil sa pati siya ay namimilipit na sa sarap kaya't ang puting likido ni Renzo ay tuluyang bumulwak sa kaloob - looban ng dalagang si Liza.

At sa pagod ng dalawa ay magkayakap na nagpahinga habang nag - antay na ang ulan ay tumila na at maihatid na sila sa kanilang tahanan.

Makalipas ang ilang minuto pa ay tumila na nga ang pagluha ng kalangitan kaya't nagpatuloy ng muli sa paglalakad at nang mahatid si Liza ay agad namang tinahak ni Renzo ang daan patungo sa kanilang tahanan upang makapagpahinga na.

"Renzo! Apo, gising na malalate ka na sa klase." wika ng kanyang Lola Ebeng.

Agad namang nag asikaso ang binata at bigla na lamang napapangiti kapag naalala ang kaganapan kagabi. Matapos mag - asikaso at mag - ayos ng sarili ay madali itong tumungo sa paaralan.

"Ang aking pakiwari ay huli na ako sa klase, buti na lamang at ako ay nakaabot pa." wika nito sa kanyang sarili.

"Magandang umaga sa iyo Renzo, sa araw na ito ay mas nauna ako sa iyo." nakangiting wika nito na tila'y walang naaalala dahil ni kaunting pagkailang sa sakin ay wala.

"Magandang umaga rin sa iyo Liza, tila’y napagod ata ako eh, kaya't di’ maagang nagising." pabirong bulong nito kay Liza.

Araw - araw ay nagkakasalamuha ang dalawa na para bang nilimot na lamang ang nangyari.

Lumipas ang halos tatlong linggo at doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo.

"Magandang umaga klase!" pagbati ni Binibining Virginia Rivera.

"Magandang umaga rin po, Binibining Virginia Rivera, kinagagalak po namin kayong makita. Mabuhay!" sabay - sabay na pagbati ng mga mag - aaral nang bigla na lamang bumagsak si Liza.

"Oh! Anong nangyare kay Liza? buhatin natin at dalhin sa klinika." pag - aalala winika ng kanilang guro.

Nang maihatid sa klinika ay hinayaan muna itong magpahinga at nang ilang minuto ay nagising na ito.

"Anak, kumain ka ba bago pumasok?" tanong ng kanyang guro.

"Opo, Binibining Rivera." mabilis na tugon nito.

"Nagpupuyat ka naman siguro kakagamit ng telepono?" pag - uusisa ng guro.

"Hindi naman po binibining Rivera natutulog po ako ng maaga, upang magising ng maaga at hindi mahuli sa inyo pong klase." tugon ng dalaga.

"Eh, bakit ka nahimatay?" pagtataka ni Binibining Rivera.

"Hindi ko po alam kung bakit ganoon at bigla na lamang akong nahilo. Sandali lamang po." pagpapaliwang ni Liza nang magmadaling tumungo sa lababo ng klinika.

Hindi na napigilan ni Liza na sumuka dahil kanina pa siya na duduwal. Agad naman siyang nilapitan ng kanyang guro at hinimas - himas ang likod nito.

Nang makita ng doktora ang mga sintomas kay Liza gaya ng pagkahilo kahit na hindi naman nalipasan ng kain at pagduwal hanggang sa masuka ay tumungo ito sa kanyang lamesa upang kumuha ng isang pregnancy test at ipinagamit ito kay Liza.

Kabang - kaba ang dalaga sa maaaring maging resulta dahil alam niya na noong gabing may nangyare sa kanila ng binatang si Renzo ay sa loob ito na iputok kaya't malaki ang posibilidad na positibo ang maging resulta.

"Tumungo ka sa palikuran, umuhi sa gamit na ito, pagkatapos ay patakan ng dalawa hanggang tatlo ang pregnancy test ng iyong ihi at agad itong ibigay sa akin upang malaman ang resulta." wika ng doktora.

Nag - antay ng resulta si Liza, Binibining Rivera at ang doktora at nang makalipas ang halos labing limang minuto ay unti - unti ng gumuguhit ang resulta. Lumabas na ang isang pulang guhit at makalipas lamang ang ilang segundo ay sumunod ang isa pang pulang guhit.

"Ano po ang resulta doktora?" kabang - kabang tinanong ni Liza.

"Wag kang mag alala iha! Negatibo ang resulta hindi ka buntis, pasensiya na kung ito agad ang pumasok sa aking isipan marahil ay kaya may pagkahilo at pagsusuka kang nararanasan ay dahil sa pabago - bagong panauhan." tinuran ng doktora habang binibigyan na reseta ng maaring inom gamot ang dalaga.

"Wala pong problema doktora, inyo lamang po ginagawa ang inyong trabaho, salamat po sa mga resetang ito." nakangiting wika ni Liza.

"Salamat po doktora, Liza halika na't bumalik na tayo sa klase." pagaaya ni Binibining Rivera.

"Opo, Binibining Rivera." pag sang - ayon ni Liza.

Muli na ngang tumungo si Liza at ang kanyang guro sa kanilang klase.

"Liza, kumusta ka? Anong nangyare?" pag - aalala ng kaibigang si Renzo.

"Ayos lang naman ako dahil lamang daw ito sa pabago - bagong panahon kaya ako’y nahilo at nagsusuka, pinagamit pa nga nila ako ng pregnancy test dahil ang mga sintomas nito ay gaya ng aking nararanasan." nakangiting wika ni Liza.

"Anong naging resulta?" namamawis na tanong ng binata.

"Negatibo syempre. Wala naman akong kasintahan kaya bakit ako mabubuntis." natatawang tinuran ng dalaga.

"Mabuti naman kung sa gayon, magpahinga ka na muna." nakangiting sagot ng binatang nakahinga na ng maluwag.

"Renzo makinig ka. Magkita tayo mamayang mga alas diyes ng gabi sa may kubo sa iskinita, mayroon akong nais sabihin." bulong nito sa binata upang walang sinumang makarinig.

"Sige, darating ako." tugon ng binatang nagtataka kung bakit kailangan doon pa sabihin.

Nang matapos ang oras ng klase ay agad namang umuwe ang mga mag - aaral. Upang magawa ang kanilang mga takdang aralin kay Binibining Rivera.

"Lola narito na po ako." wika ni Renzo sabay mano sa kanyang Lola.

"Apo, kumain ka na pagkatapos ay magpahinga na. Matutulog na ako tutal ay narito ka naman na." wika ng kanyang Lola Ebeng.

Habang nag - aantay ng alas diyes ang binatang si Renzo ay ginawa na muna nito ang kanyang mga takda at hinintay makatulog ang kanyang lola upang madali na lamang siyang makalabas.

"Sampong minuto na lamang pala at mag a alas -.diyes na." wika ni Renzo sa sarili habang itinatabi na ang kanyang gamit at mamaya na lamang muling ipagpapatuloy ang pagsasagot sa mga takda.

Nang makarating si Renzo sa kubo sa madilim na iskinita ay naroon na nga si Liza at nagaantay sa kanya.

"Pasensiya na kung ngayon lamang ako, kanina ka pa ba nag aantay?" tanong ng binata kay Liza.

Hindi ito umiimik kundi tanging iyak lamang ang sagot nito sa katanungan ni Renzo.

"Oh! Bakit ka umiiyak? Pasensiya na kung napag - antay kita?" pagtataka ni Renzo.

"Renzo, buntis ako! at ikaw ang ama, naalala mo ba nung gabing may nangyari sa atin? Hindi mo naalis kaya’t mayroong nabuo." mangiyak - ngiyak na sinabi ni Liza.

"Ano? Hindi ko maintindihan, ang sabi mo kanina pinagamit ka ng pregnancy test sa klinika at negatibo ang naging resulta tapos sasabihin mo ngayon buntis ka! naguguluhan ako." nalilitong tinuran ng binata.

"Nang pinagamit ako ng pregnancy test sa palikuran ay naisip ko na pag nalaman ni Binibining Rivera na nagdadalang tao ako ay ipaalam niya ito kay mama. Natatakot ako baka pag nalaman nila palayasin nila ako at baka pati ikaw ay masira ang buhay. Kaya't naisip ko na huwag umihi at kumuha na lamang sa ihing nasa loob ng inidoro upang siguradong magiging negatibo ang resulta." pagpapaliwanag ng dalagang hindi parin humuhupa ang pag - iyak.

"Ano na ang gagawin natin? Patawad kong nadisgrasya kita." tanong ng binatang nangangatog ang tuhod dahil sa takot.

"Hindi ko rin alam! hindi maaaring malaman ng kahit sino ang tungkol dito." nalilitong tinuran ng dalaga.

"Sabi ng aking lola na kapag may problema ka ay magdasal lamang at sasagutin niya ang iyong mga katanungan. Sabado bukas walang pasok kaya naman magkita tayo ng mga alas syete ng gabi sa labas ng simbahan ng Quiapo." Tinuran ng binatang si Renzo.

"Sige, bukas ay magkita na lamang tayo, tandaan mo walang sinuman ang maaaring makaalam. Madali ka at baka hinahanap ks na ng iyong lola." tugon ni Liza pawang naliwanagan sa sinabi ng binata.

Kinabukasan ay nagkita ang dalawa sa simbahan ng Quiapo at nagdasal sa loob nito.

"Diyos Ama, hindi ko na po alam ang aking dapat gagawin bigyan niyo po ako ng matalinong isipan upang malagpasan ang problemang ito." mataimtim na idinasal ni Liza.

"Ama, puno ng kalituhan ang aking isipan. Linisin mo po ang puso kong puno ng pangamba at bigyan mo po nawa ako ng mga senyales sa mas lalong madaling panahon upang malaman ang maaaring gawing paraan sa aming problema." dalangin ni Renzo habang nakatingin at naaawa kay Liza.

Matapos makapagdasal ang dalawa ay nagpasya na tumungo sa labas ng simbahan upang magtirik ng kandila at mag - alay ng dalangin.

"Ikaw na lamang ang siyang magtirik ng kandila hindi ako naniniwala sa ganyan eh! Tanging sa Diyos lamang ako nag - aalay ng dalangin." tinuran ng binatang si Renzo.

"Sige, antayin mo na lamang ako diyan." tugon ni Liza sa binata.

Habang nagtitirik ng dalangin si Liza ay naglalakad lakad naman si Renzo sa paligid ng Quiapo.

"Kuya! Ano hanap mo? Pamparegla?" tanong ng isang matandang nagtitinda ng mga dahong gamot at mga boteng may pulang tubig.

"Bakit ako binibentahan ng pamparegla eh? Hindi naman ako baba." tanong ng binata sa kanyang sarili.

"Ano kuya bibili ka? Ilang buwan ba ba?" dagdag pa ng matanda.

"Ano po ba iyan at para saan?" nagtatakang tanong ni Renzo.

"Pamparegla! Pamplaglag ng bata kung hindi pa kayo handang magkaanak o kaya naman ay hindi nakadisgrasya ka ito na yung sagot kuya. Siguradong hindi na makakakapit ang bata rito." pagpapaliwanag ng matandang tindera.

Napaisip na lamang ako kung bakit mayroong ganito. Dahil sa pagkakaalam ko ay isa sa sampung utos ng Diyos ang ika - pito na "huwag kang papatay" pero narito sa paligid lamang ng kanyang kaharian ay talamak ang mga gamit upang pumatay.

"Renzo! Halika na umuwi na tayo,tapos na akong magtirik ng kandila." nakangiting wika nito na kapansin - pansing nabawasan ang bigat sa kanyang damdamin.

"Sige, umuwe na tayo dahan - dahan ka lang at baka may mangyaring masama sa baby natin." nakangiting tinuran ni Renzo na siyang ikinagulat ni Liza.

"Anong sabi mo? Baby ?" paglilinaw ni Liza.

"Oo, napagisip - isip ko na hindi natin dapat takasan o takbuhan ang pagkakamali datapwat ay harapin natin ito ng nakangiti at may pananalig sa Diyos." masayang winika ni Renzo.

"Sigurado ka ba? Baka masira ang buhay mo, natin." tinuran ni Liza habang nakatingin sa mga mata ni Renzo.

"Oo naman siguradong - sigurado ako, ayus lang ba sa iyo? Hindi naman masisira ang buhay natin dahil sa totoo lang gumawa nga tayo at nagdadag pa ng isa pang buhay. Biyaya yan ng Panginoon kaya dapat tanggapin at mahalin." nakangiting tugon nito sa katanungan ni Liza.

"Salamat Renzo, binigyan mo ko ng kaliwanagan at pag - asa. Ayus na ayus sa akin na panagutan mo ako dahil gusto kong makilala ka niya dahil napakabuti mo sa akin at lalo na sa kanya. Salamat Renzo, salamat!" mangiyak - ngiyak na sinabi ni Liza habang mahigpit na yumakap kay Renzo.

Makalipas lamang ang ilang buwan ay inamin na nila sa kanilang mga magulang ang katotohanan, nagalit ang mga ito subalit kalaunan ay natanggap din ito. Ngayon ay parehas na silang nakapagtapos ng pag - aaral dahil matapos manganak ni Liza ay bumalik na sila sa kanilang pag - aaral upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak. At naging masugid na tagapaglingkod ng simbahan ng Quiapo.

Ang batang naging bunga ng kamalian nila, ngayo'y nasa katorse anyos na't isa sa mga kuro ng simbahan.

---------------------------------------------WAKAS---------------------------------------------