Return to site

“BIGKIS” 

RANNIE A. ARNALDO

· Volume IV Issue I

Aking sisimulan itong hinabi na tula;

Pasasalamat sa Diyos sa sansinukob lumikha;

Perlas ng silangan itong ating bansa;

Proteksyon niya kailanma’y di maikakaila.

 

Pilipinas na pinagpala ng ating bathala;

Sagana sa yaman mapatubig man at lupa;

Binayo ng pagsubok kalamida’t pandemya;

Kailanma’y di papadaig itong ating bansa.

 

Bayang Pilipinas marikit ng timog-silangan;

Dumaan sa pagsubok at pananakop ng mga dayuhan;

Katatagan, pananamplataya ang naging sandigan;

Binigkis ng buhay at kapalaran.

 

Bagyo man pandemya’t ito’y nalalagpasan;

Malakas at tunay na hindi padadaig sa laban;

Bansang Pilipinas na nagmula sa timog-silangan;

Titindig, tatayo’t makikipagsapalaran.