Sa malayong lugar sa Baryo ng Sto.Tomas ay may isang batang nagngangalang Juan. Siya ay isang anak ng magniniyog, ang kanyang ama at ina ay nagtatrabaho sa isang kilalang pamilya ni Ernesto Dela Cruz. Sila ang nagmamay-ari ng libo-libong puno ng niyog sa kanilang baryo. “Juan! Juan! Gising na! Ano kaba namang bata ka, tulungan mo ang iyong ama”, ang wika ng ina ni Juan.
Pagkabangon ni Juan ay dumiretso siya sa banyo at dali daling naligo. Pagkatapos ay sinundan niya ang kanyang ama sa koprahan. “Itay ako na po ang magbubuhat niyan” wika ni Juan. “Bata ka pa anak, tsaka sobrang bigat ng mga iyan tiyak na hindi mo kakayanin.” tugon ng kanyang ama. “Pero Itay, ang sabi po ni Inay ay tulungan ko po kayo dito”, pagpupumilit ni Juan. “Sige anak linisin at itabi mo na lng ang mga dahon ng niyog”, utos ng kanyang ama. Pumayag naman si Juan na linisin ang duming sinabi ng kanyang ama.
. Agad namang nagsimulang maglinis si Juan, may mga batang naglalaro sa hindi kalayuan. Lumapit ang mga bata kay Juan at sinabing “Hoy Juan! Juan na magniniyog! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Hahaha”. At patuloy pang pinagtawanan at kinutya si Juan ng mga ito. Ngunit nanahimik lamang si Juan at sinabi sa sariling baling araw sya ay magmamay-ari din ng niyugan.
Dapit hapon na nang dumaan sa niyugan sina Don Ernesto at Donya Margarita, sinabi nila sa mga tauhan na dumating na ang anak nilang si Donya Liza na nagmula sa ibang bansa kaya inimbitahan nila ang mga ito na dumalo sa gaganaping salo-salo sa mansyon.
“Juan ito ang isuot mo, pagkatapos mong maligo. Bilisan mo at baka mahuli tayo” utos ng kanyang ina. “Opo Inay! Saglit na lamang po” sagot ni Juan.
Si Juan Tomas ay na imbitahan sa bahay ni Don Ernesto na kanyang pinag tatrabahuhan. Pagdating sa piging ay malugod silang tinanggap ni Don Ernesto.
“Juan Tomas, ang iyong kasipagan ay ang mag dadala sa iyong tagumpay sa buhay.Balang araw mas mahihigitan mo pa ang aking natamasa at ikaw ay kikilalanin ng lahat sa buong lugar ditto sa bayan ng Sto.Tomas.
Matapos ang piging ay agad sumulat sa kanyang kuwaderno ng pangarap .Lahat ng mga binitiwang salita ni Don Ernesto ay kanyang itinala. Masipag si Juan Tomas magsulat ng mga nais niyang makamit sa buhay. Simula pag ka bata ay itinatala niya ang mga munting mithiin sa kanyang buhay. Saksi si Juan Tomas sa hirap ng buhay kaya , bawat pangarap, kahit napakaliit at nais niyang makamit balang araw.
“ Dadating ang panahon , saksi ang mga bituin sa langit lahat ng aking itinala sa aking kuwaderno ng pangarap ay mag kakatotoo.” Matibay ang aking pananampalataya kay Padreo Pio na matutupad ito lahat.”
Kaya tuwing hapon pag katapos ng klase ay nag pupunta si Juan Tomas sa simbahan ng National Shrine sa San Pedro, doon ay taimtim siyang nananalangin at nag iiwan siya ng maliit na sulat at isinisipit niya sa ilalamim ng altar.
“ Padreo Pio, kayo napo ang bahala sa aking mga pangarap”wika ni Juan Tomas.
Pag kagaling sa simbhan ni Padre Pio ay agad siyang dumideretso sa koprahan ni Don Ernesto upang mag trabaho.
. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Juan Tomas ay nag iipon siya ng mga kinikita niya sa koprahan .Dahil ditto ay nagamit niya ito upang maipag patuloy niya ang kanyang pag aaral sa kolehiyo. Pumasok siya sa PUP sa Sto.Tomas at kumuha ng kursong Barchelor ng Pag nenegosyo ( Bachelor of Business Management).
“ Kunti nalang matatapos kuna ang aking kurso sa kolehiyo, agad niyang isinisulat ang mga hakbang at pangarap niya sa kuwaderno ng pangarap .
Yipeee! Natapos ko na din ang aking kurso sa kolehiyo, Salamat Padr Pio! Binalikan niya ang kanyang mga isinulat na gagawin pagkatapos niya sa kolehiyo sa pangarap na kwaderno. Ipinag patuloy niya ang pag tatrabaho sa koprahan ,at nakaipon ng pera upang makapag tayo ng tindahan .
Eto po inay ang simpleng tindahan na aking sisimulan ,nagalak ang kanyang ina dahil unti unti ng nabubuo ang mga pangarap ni Juan Tomas.Ang tindahan ni Juan Tomas ay ang pagtitinda ng buko pie at minatamis na niyog.
Dahil dito ay Nagigng matagumpay si Juan Tomas sa kanyang piniling propesyon, dahil ditto ang mga kinikita sa tindahan at pag kokoprahan ay nakaipon siya ng pera upang mas makabili pa ng malawak na lupain sa kanilang bayan sa Sto.Tomas.
Dahil ditto ay mas lalong nagging matagumpay si Juan Tomas sa kanyang negosyong koprahan at ang simpleng tindahan ay unti –unting lumaki. Maraming lupain ang kanyang nabili at nataniman ng mga niyog.
Lahat ng mga taong malalapit sa kanya at taong na ngangailangan ay kanyang tinutulungan.Hindi nag laon mas lalaong yumaman pa si Juan Tomas.
Wika ni Juan Tomas sa sarili, lahat ng natatanaw ng aking mga mata ay aking lupain. Ito ay aking pag mamay ari.
Dumaan ang mga araw, at mga kilalang tao ay pumupunta kay Juan Tomas upang makibalita at nais makipag sosyo sa kanyang negosyo. Dahil madaling magtiwala si Juan sa kanyang kapwa ay agad niyang tinanggap ang mga alok na pakikipag negosasyon ng mga taong kanyang nakikilala. Ang iba ay ipinakikilala ng kanyang mga kamag –anak .
Hindi nag laon , ay naisip niyang mag libang at matamasa ang mga bagay na kanyang ipinundar.Unti –unting nag libang si Juan Tomas sa ibang ibang kasiyahan tulad ng pag dalo sa mga magagarbong piging, pag bili ng mga mamahaling mga kagamitan at alahas, damit , kasuotan, mga sasakyan .Nahilig din siyang mag libang tulad ng pag sasabong .
Lumipas ang mga panahon at hindi niya napapansin ang kanyang lupain at negosyo na itinayo.
Ngunit isang araw, dumating ang mensahe ng isang trabahador niya na nag kakaroon ng matinding problema ang mga niyog. May dumapong mga insekto sa mga puno ng niyog na sobrang nakakaapekto sa mga puno ng niyog. Maraming mga puno ng niyog ang nasisira at napuputol na.
Nagulat si Juan Tomas sa balitang kanyang nalaman .Labis siyan nabalisa at hindi niya alam kung paano niya susulusyonan ang problemang kanyang kinakaharap.
Naging irritable siya at nagging masunngit sa kanyang mga trabahador. Mas lalong malaking problema dahil hindi niya na Malayan na ang ilang lupain ng koprahan ay na ipag benta ng kanyang mga kasosyo sa negosyo. Dahil ditto mas naging malaking problema dahil ang mga taong kanyang pinag katiwalaan ay siya pala ay niloko.
Naisip ni Juan Tomas na naging maluwag siya at napabayaan niya ang kanyang negosyo dahil sa kawalan niya ng pansin sa kanyang mga na ipundar.
Naalala ni Juan Tomas ang berdeng kuwaderno na nasa ilalim ng kanyang kama, ang kuwaderno ng pangrap . Hay ! di ko napansin at nakalimutan ko ang berdeng kwaderno na aking sinulatan para maabot ang aking pangarap.
Binalikan at binasa niya ang mga isinulat niya noong hindi pa niya natatamasa ang lahat ng karangyaan. “Padre Pio, ano po ang aking gagawin”
Sa bawat araw ay lumalapit ang kanyang mga kanayon,trabahador upang humingi ng tulong.kahit na nahihirapan si Juan Tomas ay bukas palad parin niyang tinutulungan ang kanyang mga kanayon.
“ Kay buti talaga ni JuanTomas,kahit nahihirapan sa kanyang negosyo sa koprahan ay hindi niya tayo pinababayaan, Nawa’y kalugdan siya ni Padre Pio upang malampasan ang mga pag subok sa kanyang buhay”wika ng ilang mga kanayon niya.
Juan , huwag kang mag aalala na sa likod mo kami ,may awa ang Diyos”.
Unti –unting naubos ang mga naipundar ni Juan Tomas,isang araw ay nag lakad lakad siya sa kopraha kung saan niya binuo ang kanyang mga pangarap.
Sa paglalakad niya , ay may natanaw si Juan Tomas na matandang nahirapang baakin ang niyog na kanyang kinuha . Agad niyang nilapitan ito at tinulungan niya.
Naku lola , ako napo diyan , kayo po ay umupo muna sa silong . Naku salamat apo, “ Lola ,bakit walapo kayong kasama ditto sa niyugan para matulungan kayo.
Naku , apo ,wala na akong kasama ,akoy mahaba ang aking nalakad , simula sa bundok ay nilakad ko,hinahanap ko ang aking apo”. Napadpad ako ditto sa iyong lupain at nakita ko ang buko sa lupa , akoy uhaw na uhaw na. “
Agad niyang ipinainom ang sabaw ng buko ni Juan Tomas,Salamat Juan Tomas, wala pong anuman lola.
Isa kang mabuting tao JuanTomas, alam kong may pinag dadaanan kang problema ,hayaan mo at dadating ang solusyon sa iyong problema.”Salamat po Lola, tara po sama po kayo sa aking tahanan upang mas makapag pahinga po kayo. “
Hindi na Juan, aalis na ako,Pag harap ni Juan sa likod ay biglang nawala ang matandang kausap ni Juan.
Lola!l Lola !! saan nap o kayo?? Sa pag lakad ni Juan papalayo at hinahanap ang matanda ay natapakan ni Juan Tomas ang isang maliit na niyog na may nakataling berdeng laso na may nakataling papel.Agad niya itong binuksan , Juan Tomas para sa iyo ito.
Dahil sa kabutihang taglay mo , sundiin mo ang mga nakasulat sa berdeng laso ,at masusulosyanan ang iyong problema.
Nakasulat ditto ang tatlong bagay na dapat gawin ni Juan Tomas, Pumunta ka Juan Tomas sa bundok makiling at kunin mo ang berdeng laso na nakatali sa puno ng balete , pangalawa ay isang pirasong bulaklak na matatagpuan sa ilalim ng imahe ni Padre Pio , at pangatlo ay sa loob ng simnahan ng Sto.Tomas ay isang luha ng isang batang babae na nakaupo malapit sa altar ni Sto.Tomas. Kapag ito ay nakumpleto mo sa loob ng tatlong araw bago magkabilugan ang buwan ay isisipit mo ito sa berdeng kwaderno ng pangarap mo .
Agad niyang ginawa ang tatlong bagay , nahihirapan at nalilito man siya ay hindi siya sumuko.
Iniisip niya nakung hindi siya mag tatagumpay madaming mga taga nayon niya ang mahihirap at lalo’t higit ang kanyang mga magulang.
Mabilis niyang ginawa ito,natapos niya ang ang pinagagawa ng matanda . Ngunit nag tataka siya dahil parang hindi epektibo ang ipinagawa ng matanda sa kanya.
Kinabukasan , laking gulat niya dahil ang berdeng kwaderno na kanyang hawak ay nawala sa kanyang palad, agad siyang lumabas at hinanap ito sa labas ng koprahan.
Nilibot niya ang buong koprahan ngunit di niya matagpuan ang berdeng kwaderno na kanyang sinusulatan noon ng kanyang mga pangarap.
Nag alalala siya at nalungkot dahil hindi na niya mababasa muli ang kanyang mga isinulat simula noong siya ay bata pa hanggang sa panahaon na nakamit niya ang kanyang mga pangarap.
Tinanong siya ng kanyang ina, Oh! Juan Tomas napapa ano ka? Anong nangyari say o ? May sakit ka ba? Wala po Inay…….wika ni Juan Tomas ..
Nag lakad siya papuntang itaas ng kanyang kuwarto upang humiga at umiyak dahil nawawala ang isang bagay na naging tulay niya noon upang makamit ang kanyang mga pangarap.
Mga pangarap na nag mula sa simpleng pagsususulat sa berdeng kuwaderno na ngayon ay naglaho na din na parang bula sa kanyang paningin.
Hay !!!! wala na…… hindi ko na makikita at mararating muli …..Sabay tulo ng luha sa kanyang mga mata dahil sa sobrag kalungkutan.
.Sa unang pag patak ng luha ni Juan Tomas sa lupa at may na aninag na liwanag si Juan Tomas sa ilalalim ng kanyang kama. Mabilis siya tumakbo at sinilipito.
“Ano kayang liwanag ito? “Bakit kaya umiilaw sa ilalalim ng aking kama? “
Sa pag silip niya sa kanyang kama, ay na kita niya ang kanyang berdeng kwaderno .
“ Hayun , nakita ko din ito, ngunit paano ito na punta ditto sa aking kama?” Ang naalala ko hawak koi to sa iba iba ng aming bahay ng ako ay makataulog.”
Malalim na inisip ni Juan Tomas ang kasagutan ngunit hindi na maisip ang sagot…
Hay !!hindi ko maalalala talaga..!
Binuksan niya muli ang berdeng kuwaderno, binasa at inalala niya ang mga isinulat niyang mga pangarap noon.
Nabuhayan ng loob si Juan Tomas at huwag sumuko sa kanyang problema.Muling sumulat si Juan Tomas sa kanyang berdeng kuwaderno sa mga bagay na nais niyang makamit na pangarap at minimihi.
Sa dulong pahina ng kanyang pag susulat ay may nakasipit na mensahe..Binuksan ni Juan Tomas ito ay binasa.
“Ang bawat pangarap ay lagging may kaakibat na sakripisyo, minsan nakakalimutan natin ang mga bagay na kung saan tayo nag mula. Huwag kalimutan na ang mga materyal na bagay, pangalan,titulo , nara ting ay lagging pansamantala.Ngunit lagging tandaan manalig sa may kapal, maging mapagkumbaba, at huwag sambahin ang materyal na bagay.Bagkos maging simpleng tao na may kabutihang loob.”Huwag pag hinanaan ng loob ,bagkos lalo pang mag sipag at mag tiyaga”.
Napaiyak si Juan Tomas sa liham na kanyang nabasa na naka sulat sa berdeng kuwaderno.
Naalala niya na dahil sa mabilis nap ag asenso nakalimutan niya kung sino siya at ano ang mga bagay na mas dapat pinahahalagahan sa buhay. Naging bilib siya sa kanyang sarili dahil sa mabilis na pag tamasa sa kanyang mga pangarap,kaya di niya na niya namalayan na nalumayo na siya sa panginoon at sa kanyang pamilya.
Mas napahalagahan niya ang mga materyal na bagay kaysa sa kanyang pamilyang nakapalibot sa kanya.
Agad pumunta si Juan Tomas upang humingi ng tawad dahil sa matagal na panahon na ito ay nakalimot.
Pagkatapos mag simba kay Padreo Pio ay ibinalik niya ang kanyang ginagawa noon na pag susulat ng dasal at iniiiwan sa ilalim ng altar. Nag sulat na din siya ng mga nais niyang makamit muli sa berdeng kuwaderno ng kanyang mga pangarap.
Patuloy silyang nag sumikap at hindi kinalimutan ang kanyang pinag Mulan.
Patuloy ang buhay, kahit nakamit ko na ang lahat dati, pero dahil masyado akong naging bulag sa mga material na bagay nakalimutan ko ang mga bagay na dapat hindi ko makakalimutan.
Tumutulong man ako sa iba kong kasamahan ngunit naging masyadong bilib ako sa aking nakamit.
“Hay ,masakit talagang bumagsak sa lupa,,,,,,natatawa siya sa kanyang sarili dahil , sa kapalaran mismo ang nag bigay aral sa kanyang sitwasyon.”
Pag gising niya kina bukasan, agad siyang pumunta sa koprahan upang mag tanim ng niyog .
Sa pag libot niya ay may natanaw siyang mga berdeng laso na animoy dinadala ng hangin , mabilis ito kumakampay sa puno ng niyog .
Habang papalapit siya sa puno ng niyog. Ay nasilayan niya ang mga berdeng laso na naka tali sa mga puno ng mga niyog..
Gulat na gulat si Juan Tomas sa kanyang nasilayan na animoy mga palamuti sa puno ng niyog.
Pag silip niya sa taaas ng mga puno, mga namumulaklak na bunga ng niyog na parang bituin sa hitik na bunga nito.
Laking tuwa ni Juan Tomas dahil ang kasagutan sa kanyang problema ay tuluyan ng. Napawi.
Pumatak ang luha sa lupa dahil sa kanyang kagalakan..
Nabigyan siya ng pag asa. Sa kanyang nakita
Pag ikot niya ay nasa tabihan ng puno ng niyog ang berdeng kuwaderno nanaka bukas ito..
“Nakasulat dito ay.. Juan Tomas, muling buksan ang mga pangarap sa buhay…Sariwain ang mga hakbang kung paano mo nakamit ang lahat ng iyong mga pangarap.”
Pag kakuha niya sa berdeng kuwaderno at nahawakan niya ang. Kwaderno ng mga pangarap niya....sumabay ang pag patak ng ulan sa kanyang lupain sa koprahan..
Bumuhos ang ulan..... At nag sabay sabay na tumubo ang mga puno ng niyog.. Na tila nagagagalak sa pag patak ng ulan sa koprahan ni Juan Tomas
sabay sabay nag bulaklakan ang mga niyog. At sumabay ang mga dahon sa pag kampay sa hangin.
Simula noon ay naging maayos na ang koprahan ni juan tomas. Nanumbalik ang dating sigla ng kanyang lupain sa bayan ng sto.tomas.
Nagtulungan ang mga trabahador niya upang mapaabot din ang kanilang pag tulong upang mabalaki ang dating sigla ng kanilang koprahan
Laking pasasalamat ni juan tomas sa pag damay ng kanyang mga kanayon sa pag sasa ayos ng kanilang koprahan.
Unti unti ng nakukuha ang kanyang mga pangarap ..
“Salamat sa berdeng kuwaderno ng kanyang mga pangarap.. “
“ Ang aking kwadernong pangarap ay nag silbing paalala sa pag hakbang ko muli sa aking mga pangarap....”
“Mag sisilbi itong paalala at gabay sa bagong buhay na aking tatahakin.
“ Maraming Salamat Padre Pio ,,
Si Juan Tomas ay isang patunay na kahit anong estado mo sa buhay , mayaman man o mahirap basta may pangarap ko na nais mong makamit ay tunay na makakamit basta may matinding pananalig , pananampalataya sa Diyos.
Bukas ang loob sa mga pag babago ng panahon, hindi sumusuko at naniniwala sa sariling kakayahan.
Matatamasa ang tagumpay kung ito ay sasamahan ng diterminsyon at gawa.
“May kasabihan na nasa Diyos ang awa ,Nasa tao ang gawa.” Ito ang pinatutunayan ng batang si Juan Tomas na ipinakita na ang bawat pangarap ay nasapalad ng bawat isa , ngunit pagtitiwala sa may kapal at sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Ngunit pakakatandaan , kung makamit mon a ang bawat pangarap na iyong itinala sa iyong berdeng kwaderno , maging mas mapasalamat , magalak at huwag kalimuta ang iyong mga piagdaanan. Maging simple padin at mahalin ang mga taong nakatulong sa iyo noong panahon na ikaw ay hindi pa nag tatagumpay.
Ang materyales , karangyaan ay madaling maubos ,kaya dapat isipin kung paano mo ito gagamitin.
Mahiwaga ang buhay ng tao, minsan na sa ibabaw ka , pag gilong nito ikaw naman ang nasa ilalalim.
Huwag sumuko sa problemang hatid ng buhay ,bagkos tibayin ang paananalig sa Diyos na malalampasan poi to.Dahil sa bawat pag subok na ibinigay ng Diyos ay laging may kaakibat na dahilan.
Wakas………………..