Return to site

Be Inspired!

JOHNNY JR. C. CARCIDO

· Volume I Issue I

MAHAL NAMING GURO
Ikaw aming guro na dunong ng yaman ay kaalaman
Tagapag-aruga sa mga batang tahanan ay paaralan
Pangalawang takbuhan bilang isang magulang
Pagmamahal ng Lubos alay sa kabataan.

Araw-araw nalang ikaw ay nakikipag-digmaan
Sa labanang hamon sa’yo ay karunungan
Para puksain ang tila kakarampot at murang isipan
Nang ang pangarap namin ay mabuo sa iyong kaparaanan.

Bayani ka kung ituring ng lahat
Sa iyong tungkulin buong husay at matapat
Pasan-pasan mo ang mundong napaka-bigat
Sapagkat gusto mong iahon ang bayang naghihirap.

Sana nga maabot mo rin ang tugatog ng tagumpay
Para rin sa ikagaganda ng inyo pong buhay
Bigyan ka rin ng makabuluhang regalo
Na ihahandog sa’yo sa lahat ng iyong sakripisyo.

GURO
Gabay ng mga mag-aaral sa pag-abot ng pangarap
Ulirang magulang na nagsisilbing susi sa hinaharap
Rosas ng pag-ibig siya'y kahali-halina
Oras ay ginto sa kanya,para sa mga mahal na bata

Mahal na Guro,sa iyo'y abot langit na pasasalamat
Sa pagtitiis mo't sakripisyo tayo'y nagsama ng maluwat
Ginhawang natamo sa hinaba-haba ng paglalakbay
Hindi mo kami iniwan laging may patnubay.

Ikaw bilang ina o ama ay kailangang parangalan
Hindi sa entablado kundi sa bawat puso
Nang lahat ng dumaan sa iyong matiyagang pagtuturo
At balang araw,matamis na tagumpay ang regalo.

Ngayong araw pagbati namin sa inyo ay taos puso
Bilang pagunita sa Araw ng mga Guro
Pasasalamat at pagmamahal alay namin sa inyo
Gabayan nawa kayo ng Panginoon sa araw-araw n pagtuturo ninyo.

Inspirasyon
Ang susi sa tagumpay ay mga guro ng bayan
Sa mga musmos na isipan ng mga kabataan
Nagsisilbing ina at ama ng pangalawang tahanan
Hangaring mapaunlad ang lahat sila ay kalugdan.

Taas noo kahit kanino
Sama-samang nakikibaka sa pag-asang uunlad pa tayo
Anumang hirap at pinapasang kalbaryo
Diyos na dakila ang gagabay sa iyo.

Huwag tayong titigil na makamit ang gusto nating marating
Bagkus ay pagsikapan ang iyong hinihiling
Alam mong kayang kaya mong paliparin
Ang lawak ng isipan sa iyong mithiin.

Kinabukasan ay taglay muna
Ang magandang bunga sa pagsapit ng bukang liwayway ng umaga
Damhin ang hanging nagbibigay ng pag-asa
Sa mga pusong naghihintay ng kalinga.

Saludo ang bayan sa iyong pagpapakasakit
Dahil sa sakripisyo mong tila araw-araw ay paulit ulit
Maging masaya ka at iwaksi ang poot at galit
Ikaw ang bida sa tagumpay na kanilang nakamit.

Ma'am at Sir salamat sa iyo
Tinuruan mo ang lahat para buhay ay mabago
Itama ang mali sa kanilang pagkatao
Lumaking matuwid,iya'y biyaya sa iyo.

Sana lang kayo parin ay bigyan ng pansin
Sa mga kahilingang dapat ay di balewalain
Nararapat na ito'y para sa inyo rin
Sa napakahabang panahong ang bayan ay naninimdim.

Sa Diyos ako'y nananalangin
Bigyan kayo ng lakas sa pang araw araw ninyong mga idinadalangin
Matupad ang lahat ng binitawang salita
Hindi ka susuko pagkatao mo'y di magigiba.

Sana rin ay di kayo magbago
Sa lahat ng inyong mga ipinangako
Para iahon ang bayan mo
Inspirasyon ka ng bawat Pilipino.


NAGKUKUBLING MGA LUHA
Ramdam ko ang hinaing na nagkukubli sa kanya
Ang nakaraang tila ba naghahanap ng ginhawa
Para takas an ang bigat na pinapasan niya
Niyurakang pagkatao nagkukubling mga luha.

Ang puno’t dulo ay yamang hinanap sa ibang lupain
Naiwang mahal sa buhay, nagtiis para sa hangarin
Maiahon man lamang sa napakahirap na estado
Ang pamilyang dapat ay iisa, ngayo’y hndi na buo.

Nilinlang ang pag-asa sa matamis na pangako
Sa pag-uwi sa na’y tangan na ang ginto
Subalit hndi mahagilap ang landas nan a tinahak
Nabuong pangarap ngayon ay watak-watak.

Nangyari na ang dapat mangyari
Hindi na maibabalik pa ang kahapong pagsisisi
Ang poot at galit ay kailangang iwaksi
Sa mga oras na nakalipas may darating pang magandang bukas.

Hindi ka iiwan sa nalugmok na kapalaran
Handang damayan kung kinakailangan
Sa bigat na nararamdaman sa kalooban
Mayroong matatakbuhan Siya ang kanlungan.

Ang Panginoong Diyos ay nandiyan para sa ati’y gumabay
Huwag siyang sisihin sa mga pagkakamali natin sa buhay
Bagkus gawing hagdanan Siya ng tagumpay.
Panalanging lubos dapat ay ialay.


SIMPLENG HILING
Nais ko ring batiin ang lahat ng mga kaguruang bukod tanging pasasalamat
Sa halos araw-araw na kanilang pagpupuyat
Para sa kinabukasan ng mga kabtaan
Na sinasabing susi at pag-asa ng bayan.

Sa mga nagnanais na malaman ang hirap na kanilang pinapasan
Hindi ninyo makikita sa kanilang katauhan
Kundi ang masayang kayo ay pagsilbihan
Para maiangat ang bayang tila nalugmok na sa kahirapan.

Ang iba nga’y nakalimutan na ang sarili
Nararamdamang pag-ibigsa puso’t isipan na lamang sumasagi
Sapagakat ang inuuna ay sa inyo makapagsilbi
Lalo na sa mga kabataang nawawala na ang asal at gawi.

Gwin mo siyang kalasag sa anumang uri ng pagsubok
Hindi ka iiwan pangarap mo ay maabot
Ni walang hinihintay na kapalit
Kundi makita lamang kayong masaya,
kahit sa kalooban niya siya ang nagdurusa.

Mabati ko sana kayo ng isa-isa
Para sa sakripisyong inyong ginawa
Sa napakaraming buhay na ngayon ay guminhawa
Dahil sa iyo, Mabuhay ka!

Masaya akong kayo rin ay makapagpapahinga ng pansamantala
Sa mga gawaing lahat sa inyo inaasa
Hindi dito nagtatapos ang mga anumang ginagawa
Babalik parin kung saan nagsimula.

Nais ko lamang iparating ang simpleng aking hiling
Na sana’y inyong mamarapatin
Hindi ko na isusulat, sakin na lamang tanungin
Sana’y pagbigyan inyong dinggin.


Addan to
Ala kakabsat ko a madaydayaw
Innak man ipasindayaw
Daytok riknak a nabang-aran
Dagidiay kanito nga inka imparang.

Ti tulong ken ayat mo nga insagot
Awan sabali a makasubbot
Nu saan nga nailangitan nga Ama
Nga isu ti biag a makuna.

Intay suruten ti naimbag a dalan
Bendisyon ti Apo turay a makunam
Sungarud nga intay subalitan
Ti mayat a pagkakadwaan.

Dagiti nadangran gapu iti rigat
Nadana a dalan isuda pay iti naitublak
Ngem pinilim ladta nu anya ti usto
Nailangitan a supapak addan tu kanyayu.

Dika kuma maawanan ti anus
Surutem ladta ti biag nga naurnus
Saan nga matmaturog ti Apo para kenka
Ururayen na lang ti tiempo, amin nga kayat mo ket ited na.

Ala salasalamat manen
Ta inikkan nak iti panunut a rumbeng
Nga idaton ko iti padak a tao
Nasaririt nga ayat isu iti ipaay ko.

#Hugot Pa More

Sabi ko sa mga student ko sana circumference nalang kayo
Para sa inyo iikot ang mundo ko
Pero it's time to let you go
Because vacation time na ninyo.

Walastick na parang rugby
Kung dumikit ay super epoxy
Sa mga batang bumuhay sa pasaway
Nakakamiss din pala sa ating buhay.

Para kayong pakong iminartilyo
Sa puso ng inyong mga guro
Hindi kayo makalimutan
Lalo na ang inyong mga kalokohan.

Be good and have some fun
For all of us we need to understand
The love that leads to forever
Gets even better,happily ever after.

Bye bye for now ladies and gentlemen
Stop na da kakornihan
Because many are nasasaktan
Sa mga di nakakarelate sana nga'y matamaan.

Nakullaapan a Kapanunutan
Ada man ti damagek o gayyem ko nga naiparsua
Nu agpadpada ta ti kapanunutan a duwa
O baka met ti turturengem ket naisalsalumina
Awan papanan nu saan nga udi ti pagbabawian kunak kuma.

Ususarem ba ti dakes tanu maalam ti turay
Nga saan nga dapat nga aramiden,isu ti maiunay unay
Dagiti mangipatpateg nga ti dapat ket datayu ti agserbi
Haan nga kananayon nga sika laeng ti paserserbi.

Saan nga basaran ti adal tanu maibaga nga nalaing ka
Baka manalon ket nalalaing pay kapanunutan na
Isunga dapat aramatem ti ammum iti kapia
Tanu iti inaudi mayat amin ti papanan na.

Ala ngarud kabsat,sapay kuma ta isagot mo
Iti rumbeng nga ayat iti padam a tao
Kapia nga agtalinaed a sipupuso
Kangrunaan kadagiti mapukpukaw iti limpiyo.

Ti Dios Ama nga ada sadi langit
Nangted ti biag nga saan nga ipilpilit
Inusar na tau a mangted ti respeto ken ayat iti sangalubungan
Saan laeng kuma a nakullaapan a kapanunutan.

PAGTATAPOS
Una sa lahat ay magpasalamat ka muna
Sa gabay ng ating Dakilang Lumikha
Sa lahat ng nagbigay ng aruga't suporta
Hawak na diploma magbubukas ng bagong umaga.

Malugod na pagbati sa mga kabataang ibinuhos ang lahat para magsunog ng kilay
Gaano man kalayo ang tinahak na paglalakbay
Pangalawang magulang sa iyo'y umagapay
Para makatapos sa hinihiling na tagumpay.

Halu-halong emosyon ang sa iyo ngayo'y yumayakap
Di maipaliwanag na kasiyahang tila nagaganap
Bigyang laya ang pag-apaw nito sa iyong damdamin
Nang masuklian ang hirap mong naninimdim.

Simula palang ng tila humahabang lakaran
Sa ating buhay na parating nakikipagsapalaran
Gustuhin mo man o hindi iyon ay kailangan
Para sa isang makabuluhang hakbang.

Sana'y naintindihan mo na ang nais naming iparating
Na napakahalaga ng edukasyon para sa pangarap mo rin
Bukas makalawa may mga panibagong hamon
Na dapat mong suungin para dika tangayin ng alon.

Ibalik mo ang tiwala na ang kabataan ang pag-asa
Sa bayang tila natabunan na ng samo't saring problema
Nang matanaw natin ang pag-unlad na ikaw ang magpapasimula
Kami ay nasa likod niyo sama-samang makikibaka.

May Pag-asa Pa Si Juan

Sa pagbungad ng bagong umaga
Maraming dahilan para ika'y dapat maging masigla
Lalo na kung pangarap ay tila naglalaho na
Isipin mong may magandang bukas para bumangon ka.

Ang daan man patungo sa ating inaasahan
Mahirap at nakakapagod ang mahabang lakaran
Baluktot na hangarin bagkus walang patutunguhan
Kundi paghihirap ng iba atin nang naapakan.

Ang samot saring problemang dala-dala ni Juan
Huwag isisi sa iba ikaw dapat ang magkusa
Pano ka makakatulong kung puro lang salita
Naghihirap na ang bayan dapat ng tulungan.

Mas kaya ng nakararami kaysa mag-isa ka lang
Mahalaga'y may karamay ka na pwedeng sandalan
Pagtangis mo'y papahiran ng saya
Sa pagmulat ng iyong mga mata'y tunay na ligaya.

Sana'y iwinaksi na ng iba ang maling adhikain
Na siyang nagpapahirap sa bawat damdamin
Na maging patas naman sana para sa simpleng hiling
Nang mairaos ang buhay ng mga nangangarap sa dilim.

Sana bukas makalawa tangan na natin ang susi ng pagasa
Na pakinggan ang ating dasal ng Dakilang Lumikha
Mawala ng tuluyan ang bawat pangamba
Nang si Juan na pinakamamahal tuluyan ng lumigaya.
 


Panata

Lubos akong nanghihinayang sa mga kabataan ngayon
Tila ba araw-araw lumalala na ang sitwasyon
Walang pagkukusang mag-aral ng mabuti nasa hangin ang edukasyon
Nagbago na sa kanila ang ihip ng panahon.

Naisip ko na parang baligtad na ata
Imbis na sila ang maki-usap,ikaw pa magmamaka-awa
Pumasok sila't gawin ang makakaya
Subalit kulang parin sa atensyon walang pagkukusa.

Sayang ang oras na inipon ng kahapon
Mga kabataang nabigo ayaw ng bumangon
Saan natin hahanapin sa bunton ng dayami ang karayom?
Kung ikaw di'y sarado ang isip wala kang atensyon.

Panata nating mga guro kaya ito ang ating propesyon
Iahon ang bayan sa mga kabataang nalugmok ang kahapon
Tulungang makamit ang kanilang mga pangarap
Para sa pag-abot sa layuning may hinaharap.

Nakakinis isipin na ang pag-aaral ay para nalang suntok sa buwan
Bahala na kung meron o wala silang matutunan
Ang importante sa kanila ngayon sariling kapakanan
Pasayahin ang sarili sa di maipaliwanag na kaparaanan.

May kulang ba sa sistema o magulang nila?
Sa sobrang luwag ng kamalayan wala ng ginawa
Para ibigay ang lahat ng kanilang luho
Pagdaan ng araw sila pala'y mabibigo.

Hindi pa naman huli ang lahat
Basta ngalang makipagtulungan kayo iyon ang dapat
Ibalik ang dating sigla ng pagsasamahan
Hindi lang parating pansariling kapakanan.

Naturingan kayong pag-asa ng bayan
Imulat kayo sa mga bagong kamalayan
Nang malaman ninyo ang tunay na katotohanan
Na napakahalaga ng edukasyon para marating ang inyong ambisyon.


Maligayang Kaarawan

Binabati ka namin anak sa pagsapit ng iyong kaarawan
Mula sa iyong pamilya at mga kaibigan
Hangad nami'y maging maligaya kang magdiriwang
Anumang nais mo't hangarin mararating mo rin kinabukasan.

Masaya kami't nagiging maganda ang iyong kalooban
Habang lumalaon ikaw ang inspirasyon namin para mas lalo pang umahon
Sa anumang kaakibat na ating taglay ngayon
Sama-sama tayong mangangarap para sa pag-ahon.

Taos-puso't taimtim na panalangin
Sa Diyos aming hinihiling
Ibigay sa iyo anuman ang iyong mithiin
Gabayan ka sa pang araw-araw na mong paghiling.

Sabi nga sa awit tatanda at lilipas din tayo
Mga araw na lumipas ay dina muling maibabalik sa inyo
Ang mahalaga'y nabuhay ka ng masaya't totoo
Nagawa mo ang lahat para pasayahin ang sarili mo.
Maligayang kaarawan
Mahal naming prinsesa ng kagandahan.

BATA, MAKINIG KA!

Sabi ng isang bata, Ma’am ayaw ko na pong pumasok
Pagod napo ako sa mga aral na hindi ko matarok
Sa bahay po naming kapos at maraming pagsubok
Kumakalam na sikmura sakin ay dagok

Sabi ko sa kanya, bata making ka
Hindi hadlang ang kahirapan para makapag-aral ka
Dunong at yaman sa edukasyon iyon ay pag-asa
Para iahon ang sarili sa lugmok na pagdurusa

Nararamdaman ko ang hirap na iyong pinapasan
Dahil nanggaling din ako sa bagsik ng kahirapan
Nagtagumpay para iahon ang pamilya
Tulung-tulong sa pagkamit ng magandang umaga.

Nandito ako sampu ng aking mga kasama
Tutulong sa’yo para ika’y bigyang kalinga
Huwag ka lamang titigil na mangarap bata
Para marating mo ang tagumpay ng may magandang bunga.

Ang pangarap ay hindi nabibili kaya napakagandang mangarap
Lahat ay wala ng papasaning hirap
Bagkus tayo’y pantay-pantay sa mata ng Diyos
Walang mayaman o mahirap, payapa na’t luwalhating lubos.

SALAMAT MA’AM

Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong
na iyong ginawa
Para subaybayan ang lahat ng mga bata
Bilang isang guro tila marami sa iyo’y umaasa
Gabayan at pangaralan para sila’y magkusa.

Mahirap man ang responsibilidad sa iyo ay iniwan
Hangad mo’y arugain makatulong man lang
Sa mga batang napakaraming pangarap
Nasa dulo man ng paghihirap ay iyo ring mahahanap.

Hindi man matubos ng salapi ang iyong serbisyo
Tunay na pasasalamat hatid namin sa iyo
Sa lahat ng oras alam naming nandyan ka
Upang matanaw ang pangarap at pag-asa.

Bukod tangi ka sa lahat Ma’am
Sa araw na dapat nating ipagdiwang
Binabati ka namin dapat kang parangalan
Bantayog na bayani simbolo ka ng bayan.

Sana masaya ka, kasi espesyal ka
Sa lahat ng ginawa mong pagtitiyaga
Dulot ay kaluwalhatian sa lahat ay kalinga
Magbunyi ka, ikinararangal na bayani ka.
                                                                   

PUDNO A MANANG-AYAT

Adu man ti innak pagyamanan
Kadakayu nga manursuro, maestro ken maestro iti pagadalan
Awan ti maisagot mi nu san nga nabukudan nga ayat
Nagapo sadi langit sipupuso nga gasat.

Ti inpa-ay yu nga adal nga awan patinggana
Lumakay, bumaket iggem-iggem mi ladta
Unayen nga panangtarabay mo kanyami
Bannug ken rigat sika paylang ti agserbi.

Ti Diyos nga nailangitan ti mangsagot kanyayu
Amin nga inaramid iti pada yu nga tao
Kangrunaan iti ububbing iti pagadalan
Dakayu ti gapu na sunga isuda ket nasurwan.

Ala ngarud ket iyan-anus yu ladta
Ti rigat nga intay makuna
Dagitoy nga paspasamak ket maikkat tu met lang
Ragsak kanyayu nga mangisursuru, biag a nabang-aran.

PARA SA LAHAT

Ang bunga ng kapanganakan Hesus ay pagmamahalan
Kaakibat nito ang malaking hamon sa sanlibutan
Upang palaganapin ang tunay na diwa ng kapayapaan
Sa puso at isipan ninuman ngayong kapaskuhan.

Anumang hidwaan ay kailangang tapusin na ngayon
Ang nakaraan ay ugat lamang ng walang pag-ahon
Bagkus poot at galit ang sa’yo ay yumayakap
Nagdadala ito sa mga damdaming naghihirap.

Payo po ng bata o mas matanda sa’yo
Lahat tayo ay dapat tumanggap ng pagkatalo
Aminin nating nagkakamali Karin sa ibang aspeto
Kaya nga may mga kaibigang handing tutulong
at susuporta sa iyo.

Bumaba ka rin minsan sa tugatog ng iyong tagumpay
Para naman handa kang maging kaagapay
Sa mga gusto rin sanang umangat sa kanilang buhay
Ikaw ang inspirasyon at susi sa pangarap na iyong inialay.

Ama:Haligi Ka ng Tahanan

Tatang,tang,tatay,itay,tay,amang,ama
Daddy,dad,Papa,pa,airpats nga ba talaga
Mga katagang dapat sa lahat ay kumakalinga
Bata man o matanda may ngipin o wala.

Salamat sa pagpupugay na ika'y huwaran
Tagapagtaguyod sa sangkatauhan
Binigkis na pag-ibig sa sanlibutan
Buhay na pag-asa sa balikat ay pasan.

Sa mga ama at haligi ng tahanan
Taos pusong pagbati sa amin ay karangalan
Ipagdiwang ang araw na ito masigabong palakpakan
Salamat itay sa gabay at pamamatnubay

Sa hirap at tiyaga iniaahon kami't nagsakripisyo ka
Ang daan patungo sa aming pangarap,nandoon ka
Mga kamay na bakal sa iyo'y hustisya
Sundin ang ipinaguutos ilagay lahat sa tama.

Karugtong ng buhay magkasama kayo ni inay
Lahat sa amin gusto ninyong ibigay
Isusubong pagkain sa amin pa ibibigay
Panalanging lubos sa inyo aming iaalay.

Dapat kayong parangalan sa araw na ito
Bukod sa pagbati,pasasalamat at regalo
Selebrasyong tunay hinay hinay sa tagay
Nang makauwi ng deretso para di malagot kay inay.

MAHAL NAMING INAY

Nay, Inay, Nanay, salamat po sa inyong gabay,
Pagmamahal mong lubos sa ami'y patnubay.
Bukod tangi sa lahat, ikaw ang pag-asa
Ilaw ng tahanan, kaloob ng Diyos sa ami'y biyaya.

Ang papuri sa inyo ay tunay na dakila
Sa kaliwa't kanang sakripisyo, kami'y hinulma
Ituwid mga kamalian simula pa pagkabata
Hanggang ngayon di kami iniwan, laging nandyan ka.

Di kayang tumbasan ng materyal lamang na bagay
Handog sa amin pag-ibig mo't buhay.
Lahat ng pang-unawa at mga pagpapayo mo
Para sa ikabubuti namin iyon ay pangako.

Hiling namin sa Diyos, madagdagan pa ang taon ng ating pagsasama,
Nang maibalik naman namin ang yakap ng tagumpay
Bilang pasasalamat sa iyong mahabang pag-aaruga
Maraming salamat po MAHAL NAMING INAY.


PANALANGIN
Ang hinihingi ng bawat isa ngayon ay taimtim na panalangin
Para sa mga kababayang dapat ay ipagdasal natin
Hawak kamay sa puso't isipan
Sama-samang may malasakit sa ating kalooban.

Marami ng pagkakataon na tayoy puro hirap ang dinanas
Bumangon at tumayo para sa magandang bukas
Di tayo susuko sa anumang unos
Pagkakaisa't damayan tunay at lubos.

Habang may buhay may pag-asa
Ang Diyos ay gagabay para sa isa't isa
Tatag ng loob ito ang itinuro niya
Para sa lahat dapat ay magtiwala.

Makabuluhang panalangin ating sambitin
Diyos na makapangyarihan kaawaan ang aming hiling
Sa lahat pong sa iyo'y may panalangin
Kahabagan po kami't iligtas isa man po sa amin.

AMEN


Pagsubok
Hindi ko akalain na kami rin ay dadanas ng peligro sa nakaraang bagyo
Nanganib ang buhay lahat ng kapamilya ko
Diko lubos maisip sa buhay kong ito
Bibigyan ka ng pagsubok ng Diyos na dapat ay malampasan mo.

Salamat sa mga kagurong nagbigay ng suporta
Niyakap sa amin ang lamig ng pangamba
Binigyan ng lakas para di mawala ang pag-asa
Na habang may buhay dapat ay matatag ka.

Diyos na maawain gabayan niyo po lahat sinuman sa amin
Huwag hayaang isa man ay may mapahamak din
Lalo pa't pamilya ang lakas namin
Karugtong ng buhay sa lahat ng gawain.

Mahirap bumangon kung nakatatak parin ang iniwan ng kahapon
Patak ng luha sa kalooban mo'y dumadagundong
Humihingi ng pang-unawa at panalanagin
Sa buhay nating mayroon parin tayong layunin.