Return to site

“BANSA KONG PILIPINAS

NAG-IISA KA!” 

ALFATIMA A. DIMAPELEZ

· Volume IV Issue I

Tayong mga Pilipino binuo ng pagbabago

Sa gitna ng mga pagsubok tayo’y solido

Agad na tumutulong sa mga nangangailangan

Subok tayo diyan base sa ating mga karanasan.

 

Nakukuha pa nating tumawa

Sa kabila ng kaliwa’t kanang problema

Tumutulong sa iba

Kahit na may sariling dala-dala.

 

Di natitinag ng kahit na anong sakuna

At kahit na anong banta

Sa tibay at pananampalataya tayo’y pinag-isa

Dahil tayo’y mga Pilipino na nagkakaisa.

 

Sa mga nagdaang panahon

Ginawa natin ang lahat para tayo ay umahon

Nagsipag sa lahat ng oras

Upang tayo ay manalo sa wakas.

 

Di alintana ang pagod

Para sa pamilya tayo ay kumayod

Buwis buhay sa pagtatrabaho

Alang-alang sa mga pangarap na binuo.

 

Mula sa galing ng ating mga ninuno

Hanggang sa mga kasalukuyang namumuno

Sama-sama sa hirap at ginhawa

Bagyo man o pandemya tayo ay magkasama.

 

Bilang isang Pilipino ako ay masaya

May pagbabayanihan na naiiba

Kahit mga dayuhan ikaw ay mahal na

O bansa kong Pilipinas nag-iisa ka.