Bagyo ka lang!
Kahit na ang lakas mo,
Hinding-hindi ako susuko,
Patuloy akong tatayo.
Bagyo ka lang!
Kahit ang lupit mo,
May bahaghari pa rin sa dulo,
Pag-asa ang nabubuo nito.
Bagyo ka lang!
Kahit na sinisira mo ang mundo,
Namumutawi pa rin ang ngiti,
Sa labi kong puno ng pighati.
Pandemya ka lang!
Kahit nakatatakot ka,
At puno ka ng pangamba,
Hindi sayo’y padadala.
Pandemya ka lang!
Kahit marami ang nakitil mong buhay,
Heto pa rin ako, nabubuhay,
Iaangat muli ang aking pamumuhay.
Alam kong matatapos din ang pandemya,
May katapusan ang lahat ng pasakit at problema,
Makakamtan ko ang tunay na gantimpala,
Manalig lang sa kanya at maniwala.
Bagyo at pandemya ka lang,
Ngunit ako’y may Panginoon na laging nakaagapay,
Ako’y magpapatuloy sa pagpinta ng pag-asa,
Pananalig at katatagan aking kasama.