Return to site

BABANGON 

OLIVER S. DIMAILIG

· Volume IV Issue I

B-agong Taon ay sumapit,

Taong 2020 ay napakasakit

Bulkang Taal na kaakit-akit

Sumabog na bigla, dulot ay hirap at sakit.

 

A-gad-agad, bayanihan ay naramdaman.

Mga tiyan na nagugutom ay nagkalaman.

Tulong ay dagsa nagmula saanman.

Pag-asa at pagbangon ay muling nasilayan.

 

B-ago pa man buhay tuluyang maging masigla.

Panibagong pagsubok ay dumating na bigla.

Banta ng COVID-19 ginulantang ang madla.

Buong bansa at mundo binalot ng pag-aalala.

 

A-ng Pamilyang Pilipino nanatiling matatag at matibay.

Pagdadamayan at panalangin naging sandata at patnubay.

Mga Doktor at narses, buhay ay ibinigay at inialay.

Di na alintana ang panganib, madugtungan lamang ang oras ng mga nag-aagaw-buhay.

 

N-aramdamang hirap at sakit, Pilipino di nagpatinag.

Dahil alam nila, sa dulo ay may liwanag.

Positibo ang pananaw, na ang bayan ay muling babangon.

At bawat Pamilyang Pilipino ay sama-samang aahon.

 

G-aano man kalakas, bagyong dumating.

Patuloy na ipamamalas ang pagiging magiting.

Kapwa ay dadamay at yayakaping sobrang igting.

Upang sa bagong umaga tagumpay ay kakamtin.

 

O-h kayhirap talaga harapin ang mga pagsubok.

Ngunit lahat ay kakayanin kung ang puso sa Poon ay nakatutok.

Bulkan man ay sumabog, bagyo man ay bumuhos.

Laging tatandaan, pagmamahal ng Diyos ay wagas at hindi matatapos.

 

N-gayon ay panahon na upang muling ngumiti.

Limutin na ang kahapong dulot ay sakit at pighati.

Ngunit huwag kakalimutan ang aral na ibinahagi.

Upang ang buhay ay patuloy na yumabong at bumuti.