ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang Antas ng Pagpapahalaga ng mag-aaral sa Asignaturang Filipino kaugnay ng Kanilang Pang-Akademikong pagganap. 10 Napatunayan na mataas ang naging antas ng pagpagpapahalaga sa asignaturang Filipino kaugnay ng Pang-akademikong Pagganap ng mag-aaral mula sa baiting pito hanggang baiting sampu sapagkat mayroon silang mataas na pagpapahalaga at interes sa asignatura na masasalamin sa pagganap sa oras ng klase dala ng pakikiisa ng mga taong nakapaligid sa kanila na nag-uudyok na mas tumaas pang lalo ang interes asignatura sa asignaturang Filipino, ang mga mag-aaral ay kakikitaan ng pagtugon sa mga gawaing may kinalaman sa asignaturang Filipino sa tulong ng dati nang mga kaalaman kaya nakatutugon ng mas maayos at mabisa sa mga pinapagawa, may maayos na interaksyon sa guro at kapwa mag-aaral na nagdulot ng epektibong pagganap. At ang kanilang ang espirito ng pagpapahalaga sa wikang Filipino gayung nakakagamit parin ng malalim na wikang Filipino sa pagsasalita maging sa pagsulat at madalas parin na gamiting wikang pantulong sa talakayan sa ibang asignatura at sa pakikipagtalastasan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may mahalagang ugnayan ang mga sagot ng respondente sa antas ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang pang-akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. na may anim napu’t apat (64) ang ginamit na 11 tagatugon sa pag-aaral na ginamit sa deskriptibong-kwalitatibo o paraang paglalarawang matimatikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan ng independent t-test. Natuklasan sa pag-aaral na mataas ang antas ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang asignaturang Filipino ay mahalagang mabigyan ng pansin at malaking pagpapahalaga lalo na sa panahong kasalukuyan.
Mga Susing Salita: Antas ng Pagpapahalaga, Asignaturang Filipino, pang-akademikong pagganap