Return to site

ANTAS NG KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL
SA PULO NATIONAL HIGH SCHOOL DIEZMO

EXTENSION CITY OF CABUYAO LAGUNA
TAONG PANURUAN 2022-2023

LOVELY B. ONDE

· Volume IV Issue III

ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Pulo National High School- Diezmo Extension, City of Cabuyao, Laguna taong panuruan 2022-2023.

Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibo o palarawang pamamaraan upang mailarawan ang sitwasyon o antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Inilapat din sa pag-aaral na ito ang kwantitatibong disenyo upang mailahad kung gaano karami o kalaki ang isang bagay. Gamit ang pamamaraang ito nailalahad ang resulta sa pamamagitan ng mga bahagdan ng maayos at malinaw ang sitwasyon ng pag-aaral.

Ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa punongguro ng paaralan at nagbigay ng mga talatanungan sa dalawampu at limang (25) guro sa Filipino sa Pulo National High School- Diezmo Extension sa pamamagitan ng sarbey kwestyoner.

Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, mas lamang ang bilang ng mga gurong babaeng respondente, mas marami ang mga gurong nasa edad 31-40 at mas malaki ang bilang ng mga gurong nasa 6-10 taon ng nagtuturo sa Filipino. Pinatunayan rin sa pag-aaral na may kasanayan ang mga mag-aaral sa pagkilala ng salita at magbasa ng may pang-unawa. Lumabas rin sa pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga ag-aaral kung pagbabatayan ang demograpik propayl ng mga respondente. Ipinakita rin sa pananaliksik na may makabuluhang kaugnayan ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kahirapan ng mga mag-aaral sa pagbasa kung pagbabatayan ang pagkilala sa salita. Makikita sa kinalabasan ng pag-aaral na madalas ang pagsisingit at pag-uulit ng mga mag-aaral habang sila ay nagbabasa. Kaya naman ang pagbuo ng karagdagang kagamitan na maaaring basahin at gamitin ng mga mag-aaral ay makakatulong upang mas mapaunlad pa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.

Mga Susing Salita: Kasanayan sa Pagbasa, Deskriptibong Pamamaraan