Bayan! Bayan! Bayan! Maaga pa ay iyan ang maririnig ng mga tao sa mga traysikel drayber sa kanto ng aming barangay. Dito kasi nakapuwesto ang paradahan ng mga traysikel papunta sa aming bayan.
“Aling Koring, matatagalan po ba kayo pamimili? Ako lamang po ay pipila at magpapalista nitong aking traysikel. Tawagan ninyo lang po ako para kayoý maipagbitbit ko ng inyong mga pinamili.” “Naku, ikaw talaga Ambo, napakamatulungin mo. Kaya kahit medyo may kalumaan na ang iyong traysikel ay sa iyo ko parin gusto sumakay,” natutuwang sambit ni Aling Koring. “Hala sige at akoy mamimili na”, dagdag pa nito.
“Pareng Ambo, pwede bang ako muna ang mauna sa iyo sa pila?” tanong ng isang drayber. Kailangan ko lang talaga kumita ngayon, may sakit ang bunso ko at kailangan kong makabili ng gamot,” paliwanag pa niya. “Naku pare oo naman, hala sige ipila mo na ang iyong traysikel para makatawag na tayo ng pasahero at nang makauwi kana at makabili ng gamot. “Salamat pare, hayaan mo makakabawi rin ako sa iyo.” Huwag kang mag-alala pare maliit na bagay lamang ang ginawa ko”, tugon ni Mang Ambo.
“Aling Linda, pauwi na po ba kayo? Halina po at kayoý tutulungan ko na,” alok ni Mang Ambo. Naku, naku Ambo salamat pero akoý hindi sasakay diyan sa iyong traysikel, baka bigla iyang masiraan ay di agad ako makauwi. Tingnan mo naman lumang – luma na iyan”, dagdag pa ni Aling Linda. “Pasensya na po Aling Linda, medyo nag-iipon pa rin po kaming mag-asawa para makapagpagawa ng bagong traysikel,” mahinahong sagot ni Mang Ambo.
“Anak, iabot mo nga sa akin ang timba, basahan at sabon na nasa banyo”, tawag ni Mang Ambo sa anak na si Ariel. “Öpo itay, sandali lang po”, tugon ni Ariel. Araw ng linggo iyon at nakagawian na ni Mang Ambo na linisin ang traysikel na kanyang gamit sa hanap buhay. Ïtay, heto na po ang hinihingi ninyo”, tawag ni Ariel sa ama.
“Mga kapitbahay, mga kapitbahay”, saklolo tulungan ninyo po kami”, sigaw ng anak ng kapit bahay nina Mang Ambo.
Itay narinig nyo po ba ang pagtawag ng anak ni Aling Linda?” tanong ni Ariel sa ama. Öo anak halika at tingnan natin.”
“Anong problema Arman? Bakit ka sumisigaw?” tanong ni Mang Ambo. “Si inay po kasi hindi makahinga, kailangan po siya madala agad sa ospital”, nag-aalalang paliwanag ni Arman. “Aba, ay madali halika Ariel, tulungan mo si Arman na mailabas si Aling Linda at kukunin ko ang ating traysikel”, utos nito sa anak.
Pagkalabas ni Aling Linda sa ospital ay agad siyang nagtungo sa bahay ni Mang Ambo. “Maraming salamat sa iyo Ambo, kung hindi dahil sa inyo at sa iyong traysikel ay marahil napahamak na ako,” ang wika ni Aling Linda.
“Naku walang anuman po Aling Linda para saan pa at tayo ay magkakapitbahay, at saka kung iba po siguro ang nasa katayuan ko ay ganun din ang gagawin”, ang mahinahong tugon ni Mang Ambo.