Dekomposisyon:
Ang silhueta ay isang salitang Espanyol na nangangahulugang representasyon o balangkas ng isang bagay. Ito ang kabuuang hugis o porma ng isang bagay o ano pa man.
Ang dulang ito na may isahing yugto ay sumasalamin sa kung paanong mapapagtagumpayan ng mga pangunahing tauhan a sina: Ada at Maestra Zulueta ang mga hamon ng buhay at ang kagustuhang maging tagapagtaguyod ng malikhaing sining sa makabagong panahon.
Sa dulang ito masasalamin ang mga tunggaliang tao laban sa teknolohiya; tao laban sa lipunan; tao laban sa tao; at tao laban sa kaniyang sarili na maipapakita sa paraan ng non-linear structure at mabisang paggamit ng mga plot devices gaya ng foreshadowing at flashbacking.
Mababakas din sa dulang ito ang paggamit ng soliloquy o ang pagsasalita ng tauhan nang mag-isa at ang stream of consciousness.
see PDF attachment for more information