Return to site

ANG PULANG SINULID

ni: LEANDRO LIBOD ROSETE

Sa pagsalungat sa layo at pagkakaiba, sumasayaw ang pulang sinulid

Mula sa hagdan-hagdang palayan ng Banaue, hanggang sa mga bahura ng Palawan

Binaril ng mga kamay na nagdaala ng mga kuwento ng pagtibay

Sa mga maingay na kalsada ng Maynila, nagsisimula ang sinulid

 

And ritmo ng kulintang nga Maguindanao

Ang kaaya-ayang disenyong t’nalak ng T’boli

Ang mainit na alab ng sisig ng mga Kapampangan

Bawat tali ay naglalaman ng isang kulay- isang ala-ala, isang tradisyon

 

Ang mismong pulang sinulid ay umaawit ng isang walang hanggang himig

Isang simponya ng mga diyalekto, nagkakaisa sa pagkakasundo

Tagalog, Bisaya, Ilokano, Waray, at iba pa

Makinig at iyong maririnig, bulong ng mga wika

 

Ang tahimik na mga panalangin na nag-uugnay sa mga nakikita at hindi nakikita

Napapagkaisa ng tawanan sa mga piyesta, ng kahalagahan ng mga ritwal

Mula sa bulubundukin ng Luzon hanggang sa berdeng kaguatan ng Mindanao

Sa mga tulay na gawa sa kawayan at bakal, ito’y nagpapatuloy

 

Isang patunay sa lakas ng ating diwa

Isang pamana ng mga tawanan, luha, at pagmamahalan

Ipinamana tulad ng mga alahas, mula sa lola hanggang sa apo

Nagdaan ang mga henerasyon, ngunit ang pulang sinulid ay nananatili

 

Ang ating mga pangarap, saan man lumipad, itinuturo tayo pauwi

Isang tulay, isang lulan- Ang Wikang Filipino

Sa mga salitang ating winiwika, sa mga awit na ating kinakanta

Natatagpuan ng pulang sinulid ang kanyang puso