Return to site

ANG PITIK NG WIKANG FILIPINO

ni: JOSEPH M. ARELLANO

· Volume V Issue I

Wika, isa sa pangunahing salik sa paglikha ng kultura sa Pilipinas

Hinuhubog ng kolektibong impormasyon na walang makatutumbas.

Ito ay mahalaga sa pang araw-araw na palikipag-usap,

Mula sa nakatatanda hanggang sa matatanda o maging sa mga bata.

 

Maraming pinagdaanan ang Pilipinas bago makamit ang wikang ngayo'y ating sinasalita.

Dahil upang ito'y magawa, tayo ay sinakop muna ng mga banyaga,

At nang dahil dito, uni-unting nabuo,

Ang ngayo'y ipinagmamalaki nating Wikang Filipino.

 

Mahigit isang daang lenggwahe na ang sinasalita rito sa ating bansa,

Nagsimula sa wala, hanggang sa ito'y dumami pa.

Mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao, mga diyalekto ay lumitaw.

Upang maka-usap ang bawat-isa sa pang araw-araw.

 

Sa bawa't sulok ng Pilipinas maririnig ang "po" at "opo".

Sapagkat paggalang sa mga tao ang nais nitong isimbolo.

Idagdag narin natin ang "mano po sa inyo",

Na sinasabayan nang pag lagay ng palad sa bandang noo.

 

Sikat din sa bansa ang mga salitang balbal,

O mas kilalang "slang" at ito ay karaniwang hindi pormal.

Karamian sa mga kabataan ang gumagawa at gumagamit nito,

Upang mas mapasaya at mapalawak ang pakikipag-usap sa mga tao.

 

Sa dinami-rami ng mga wikang mayroon sa ating mundo,

Kakaiba parin ang pitik ng Wikang Filipino.

Sapagkat sa likod ng wikang ito ay mga kayamanan ng mga tao,

Kayamanan ng kultura na galing sa isip at sa puso.

 

Ang Wikang Filipino nga naman ay dapat ipagmalaki,

Dahil patuloy itong lumalawak at lumalaki.

Saan mang sulok ng bansa, ito’y maririnig.

Maski sa labas ng Pilipinas, ito ay iniibig.