Ang pagdiriwang ng pista ay bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino. Karaniwang ipinagdiriwang ang mga pista upang ipagdiwang ang kaarawan ng patron sa isang lugar o bayan. Ang unang pista ay naganap noong panahon ng kastila.
Ang bayan ng Nasugbu ay isa sa malaking bayan sa kanlurang Batangas. Ipinagdiriwang ang pista ng Nasugbu tuwing ika-3 ng Disyembre taon-taon. Sikat ang bayang ito dahil sa Sugbuan Festival. Kadalasang ipingdiriwang ito upang magkaroon ng ugnayan ang bawat barangay sa nasabing bayan. Karaniwang nagsisimula ang pagdiriwang tuwing ika-1 ng Disyembre.
Tuwing sasapit ang bisperas ng pista ay hindi mawawala ang pagkakaroon ng iba’t ibang paligsahan at mga palabas na talaga namang nakapagbibigay kaligayahan sa mga mamamayan. Ilan sa mga kompetisyong isinasagawa ay ang festival at street dancing na nilalahukan ng ibat ibang paaralan sa bayan ng Nasugbu. Hindi makukumpleto ang pista kung wala ang peryahan at baratilyo. Isa rin ito sa nakapagpapasaya sa mga mamayan ng Nasugbu. Hinding hindi mawawala sa pagdiriwang ng pista sa Nasugbu ang pagkakaroon ng misa sa simbahan kung saan hindi magkamayaw ang mga tao. Likas silang relihiyoso kung kaya naman hindi nakakalimutang magpasalamat sa Maykapal sa mga biyayang natanggap nila buong taon.
Sa pamamagitan ng ng iba’t ibang pagkaing nakahain sa hapag kainan ay naipapakita ng mga naninirahan dito ang pasasalamat sa Diyos gayundin ay mababanaag sa kanilang mga mukha ang kaligayahang maibahagi ito sa iba sa pamamagitan ng simpleng salo salo.
Talagang nakasasaya ng pagdiririwang ng pista sa bayan ko. Sa pamamagitan nito ay masasalamin ang kaugalian,kultura at tradisyon ng mga Nasugbueños.